Push mo ‘yan, Cookie

Dub dub… dub dub…

Dumaan ka lang pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Jeffff! Hiiiii!” Tinawag kita. Ngumiti. Kumaway na parang nanalo sa isang beauty pageant.

Bigla kang tumingin sa akin. Tumitig. ‘Yung intense. ‘Yung parang gusto mo akong kainin ng buhay. Magsabi ka lang, anumang oras, sa’nmang lugar! Gaaaammee.

Kaya ngumiti pa ako lalo. Tinodo ko na. Kahit ang sakit sa ngala-ngala. Sana nadala ka. Sana napantayan ko ‘yung ngiti mong pang-ulam sa umaga.

Tumabi ka nga!” Ba’t ba ang tamis ng ‘yung boses? Parang araw-araw lumalamon ka ng minatamis.

 

Ganito lagi ang ating eksena. Lagi kitang inaabangan para pagdaan mo, andun na ako. Sabi ko naman sa’yo para akong anino mo, paglabas mo, makikita mo.

 

Naaalala mo ba nung unang beses mo akong kinausap? Sabi mo,

“Ninja ka ba!?” Yiiiiii. Ikaw ha. Pumipick-up line!

Bakit? Kasi NINJAn lang ako sa puso mo?”

“Hindi, gago! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot!

 

Nung nakaraang Araw ng mga Puso, nag-iwan ka ng isang dosenang pulang rosas at isang cute na cute na teddy bear. Ang nakalagay, “To my one and only.”

Aba, sino ba ‘yun?!

Malamang ako! Sympre, kinuha ko! Sabay instagram at post sa Facebook. Tinag pa nga kita.

Nampuchaaaaaaaaaaa!” Unang comment mo. Para kang mauubusan ng letrang a. Umamin ka, kinikilig ka noh?

Hindi para sa’yo yan! Ibalik mo! Kung hindi irereport kitang magnanakaw!” Pangalawang comment mo.

Teka lang, ikaw kaya ang magnanakaw! Ninakaw mo ang puso ko!

 

Nung isang araw naman, bumisita ako sa bahay niyo. Hinabol mo pa ako at pinakilala mo lang naman sa Mama mo. Hihi.

“Ma, she’s baliw!”

‘Yun nga lang mali yata ‘yung nasabi mong pangalan. Sino si Baliw? Cookie kaya ako! Sige, pwede na muna ‘yan. Malapit na ang B sa C. Isang kembot lang.

Kaya nung sumunod na araw, sinigurado ko na kilala mo ako!

Sinabihan kita ng, “I love you!”

Ang sabi mo, Coookieee! Coookiengina mo!”. Gusto ko tuloy magpaparty! Achievement! Tandang-tanda mo ang pangalan ko.

 

Hayan, tapos na ‘yung huli mong klase. Dadaan ka na naman. Ikaw talaga, alam na alam mong andito lang ako. Daan ka naman ng daan. Stalker yata kita, eh!

Nakita na kita! May kasama kang pulis. Binulungan mo siya sabay turo sa’kin. Pinag-uusapan niyo ba ako? Ang sweeeeet! Haba ng hair!

“Miss, may kaso ka, trespassing.” Tumingin naman ako sa’yo. Ikaw kaya ang trespassing. Minu-minuto, lagi ka na lang pumapasok sa puso at isip ko.

Bakasyon ka muna sa kulungan.” Sabi pa nung mamang pulis. Ang dinig ko pa, bibisitahin mo raw ako. May court hearing sa susunod na linggo. Bigla akong na-excite! Dapat magandang-maganda ako. Okay lang yan, nakabakasyon naman ako. Walang stress, walang pressure.

Ngumiti ako, sabay sabi ng,

“See you! ‘Wag mo akong masyadong mamimiss ha!”

————-

Minsan masarap daw maging baliw kasi everything is a bliss. Parang ang mundo ay isang malaking candy store. Makulay. Masaya.

This is not meant to ridicule anyone. But, just a funny take on things. We actually have to learn a lesson here, life is better when we see things positively. It’s a matter of perspective. Happiness comes from within. *wink*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s