M.U. Malabong Usapan

Dolce-Gabbana-Eyewear-2012-Spring-Summer-Campaign-3

 

Malabo na talaga ang mga mata ko. Kasing labo ng kung ano mang meron tayo. Pero mas gugustuhin ko pa ring ‘wag munang magsalamin, ayokong makita ang katotohanan, baka di ko kayanin.

Ang labo nga yata ng lahat sa akin. Mata. Isip. Puso… Tayo.

Mas malabo pa sa tubig baha. Mas naniniwala pa akong pwedeng ilibre ang sakay sa dyip o magpaulan ng tig-pipiso sa EDSA.

 

Minsan, tinanung kita kung ano tayo. Ang sabi mo lang, “Tao.” Dapat siguro magpalit ka na ng trabaho, ‘yung comedian. Sobrang tawang-tawa ako, eh. Bwiset.

Minsan, nag I love you naman ako sa’yo. Ang sabi mo lang, Hahaha”. Mas Bwiset. Tingin mo ba nagpapatawa ako? Ako na lang pala ang magpalit ng trabaho, comedian din. Baka mas may pag-asa pa.

Minsan, parang gusto kong magstatus ng – in a malabong relationship with you. Sabagay, kelan ba naging maayos kung ano mang meron tayo.

 

Ang sabi mo masaya naman tayo, di ba? Ok na ‘yung ganito. Ok naman tayo. Ok nga ba tayo?

Gusto ko rin namang tawaging girlfriend mo. Gusto kong sabihing tayo. Pero sabi mo, overrated ang salitang tayo. Ano pang masasabi ko, napa-okay na lang ako.

 

Hindi naman ako bobo. Aminado naman akong walang patutunguhan ‘to. Na pwedeng isang araw, bigla mo na lang sabihing, may iba na. Na hindi na tayo ok. Na idefine na natin ‘yung meron tayo – from malabo to nonexistent.

‘Pag nagkaganun, ‘wag kang mag-alala, pababayaan kita. ‘Di naman ako sadista o masokista. Baka isampal mo pa, na isa akong dakilang assumera.

Pero sa ngayun, ‘di ko pa kayang amining wala nga talaga. Sa aking mundo… Ikaw. Ako. Tayo.

 

Alam ko kahit ‘sing labo pa ng tubig baha ang relasyon natin, mamimiss mo rin ako, tatawag, magpaparamdam at magtetext ng,

Bhe, nabusy lang. ‘Yung regalo ko pala sa December. Size 9 ha.”

‘Yan mas sigurado ako dyan. ‘Sing linaw ng salamin. Pwede kong tayaan kasi siguradong jackpot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s