Nung Inabot ng Tao ang Dyosa

“Life is not perfect. Love is not perfect. But for me, we make each other perfect.”

Sabi ng text message mo. Abot-tenga ang ngiti ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend kita. Parang kailan lang nung nanliligaw ako sa’yo.

“Pare, di mo yan lebel. Nung tumabi ka, nagmukha kang drayber niya!”

“Ok langyan, libreng inompag binasted. Hahaha.” Nag-apiran pa ‘yung dalawa.

Alam mo, p’re, ang tao ay sa tao. Kung sinumang nagsabi na tao ka, ipa-salvage mo! Sinungaling eh!” Mas malakas pang tawanan!

Nung sinagot mo naman ako,

P’re, maghintay ka lang ng ilang oras, sasabihin n’ya, joke lang!”

Anung sikreto? Baril? O blackmail?”

Anu yan, social experiment niya?!

Nung nagpaulan yata ang Diyos ng mga kaibigan, nasalo ko lahat ng sobrang supportive na mga nilalang. Nakakabwiset minsan.

Kaya nga tinanung kita, anung rason ba’t mo ako sinagot. Sabi mo, parehong rason ba’t kita niligawan. Simple lang naman, mahal kasi kita.

Tanda mo ba nung unang beses kitang sinabihan ng mahal kita? ‘Di ka nakasagot. Natahimik ka.

Ngumiti lang ako sabay, Walang tanung, kaya di mo kelangang sagutin.”

At ‘di lahat ng oras at bagay ay silence means yes. Kung totoo, eh ‘di sana nagtatalon-talon na ako sa sobrang tuwa. Manlilibre na rin ako sa turo-turo.

Buti na lang, nakuha kita sa sipag at tiyaga! Nasabi mo rin sa akin ‘yung tatlong pinakamahalagang salita, Mahal din kita.

Bukas, mag-iisang taon na tayo. Plano kong lutuin lahat ng paborito mo. Dapat isang dosenang putahe para isa kada buwan na nakasama ka.

Sobrang cheesy ba? Ang pag-ibig naman ay isang napakalaking korni. Minsan, di mo aakalain na nagagawa mo ‘yung mga bagay na imposible. May inspirasyon ka na kasi. May rason ‘yung bawat pagpupursige mo. Mas masarap mabuhaypag mas korni.

Muntik ko nang makalimutan, may ginawa pala akong sulat kalakip ng regalo mo. Ang sabi ko run,

Hindi man ako perpekto,

Hindi man akoyung pangarap mo,

Pangako, andito lang ako.

Mamahalin kita nang totoo.

Salamat rin pala dahil ‘pag kasama kita, pinaparamdam mo sa’kin na ako ang pinakagwapo at pinakamayamang tao sa mundo. Sana laging ganito. Dahil pinakamasarap mabuhay sa piling mo.

—-

Mema(sabi): Yung totoo? Pakiramdam ko, ‘eto ‘yung pinakakorning sinulat ko! Hahaha

Pero may pinaglalaban talaga si kuya! Para nga namang utang na loob pa nila ‘pag nagkagf ng maganda!

Advertisements

One thought on “Nung Inabot ng Tao ang Dyosa

  1. Pingback: Nung Inabot ng Dyosa ang Tao | Kwentong Tsarlot

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s