Itaga mo sa Red Horse

Hello, Red Horse. We meet again.

Ganito talaga pag sawi, in a relationship with red horse. Akala ko pa naman, hindi na kita makikita. Pero, ‘eto ka na naman. ‘Eto na naman tayo. Magkasama. Magkakwentuhan.

Buti na lang loyal ka. Buti na lang, andyan ka. Baka ‘pag ikaw pa ang nawala, sobrang ‘di ko na kaya.

Red Horse, oh Red Horse. Ang bestfriend ng bayan. Ang takbuhan dahil hinding-hindi ka niya tatakbuhan.

Gustong-gusto kong bigyan ng parangal si Carmi Martin! ‘Yung national artist. Kuhang-kuha niya, eh. Tama nga siya, “Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher.” Nalingat lang ako, may ibang umeksena. Ang malala pa, kakaiba siya! Snatcher na namamahay!

Binuksan ko lang ‘yung bintana, may nakapasok na pala! Nagpahangin lang ako, may magnanakaw na pala. ‘Di nga naman kakatok ang magnanakaw at magpapaalam ng, “P’re, nanakawin ko lang ‘yung pinakamahalaga sa’yo, ha!”

Dalawang puso ang ninakaw niya. ‘Yung akin at sa’yo. Ang pagkakaiba. ‘Yung akin, sinaksak niya, binasura. ‘Yung sa’yo, inalagaan niya. Sana ‘yung akin na lang. Sana ‘wag na ‘yung sa’yo.

Wala namang pulis pag-ibig para pwede ko siyang ipakulong. Nung binugbog ko nga, ako pa ang pinakulong! Ako na nga ang ninakawan, ako na nga ang pinasukan ng pamamahay, ako pa ang natulog sa kulungan. Asan ang hustisya?! Ako ang nauna. Ako ang jowa.

Ang sarap n’yang silaban ng apoy. O kaya’y hagisan ng dinamita.

Aminado naman akong marami akong pagkukulang. Pero hayaan mo namang punan ko ‘yung mga ‘yun. Isang tsansa lang. Isa lang. Subukan mo ulit ako. Tayo.

Sisiguraduhin kong 24-7 ang pagbabantay ko. Sisiguraduhin kong nakasara lahat ng bintana. Sisiguraduhin kong kahit ilang snatcher pa, hinding hindi ka niya makukuha. Sisiguraduhin kong walang rason para maghanap ka ng iba. Pangako. Maniwala ka naman, oh.

Buti pa ang Red Horse, pwedeng pangforever, pwedeng pang meant to be. Kaya dito na lang muna ako sa tabi niya. Hangga’t masakit pa. Hangga’t ‘di ko pa kayang mag-isa. Dito lang ako. Kasama niya.

Pero tandaan mo, itaga mo ‘to sa Red Horse, babawiin kita.

———————————————

Kwentong bahagi ng Kung Pelikula ang Pag-ibig series.

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!” –  Carmi Martin, No Other Woman (2011).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s