Pak Buddies

article-0-202E834E00000578-162_634x619-2

“Hoy, lumabas ka! Kung ayaw mong gawin kong pulutan ‘tong alaga mong walang kwenta!”

Andyan na naman ang babaeng parang bumbero sa lakas ng boses.

“Andito na po, mahal na reyna!” Tonong nang-aasar.

“Ikadena mo s’ya kung ayaw mong gawin kong asusena!”

“Ano bang problema mo? Pak buddies ‘yung dalawa.”

“Ikaw ba ang magbubuntis?!”

“Bakit ikaw ba?”

Nilayasan na lang ako bigla-bigla.

Kawawa naman ang aking alaga. Pang-Romeo and Juliet ang drama nila.

Di ba alam nung babaeng bungangera na kung may human rights, meron ring animal rights! Nakapaloob dun ‘yung karapatan nilang pumili kung kaninong butas ang kanilang sasambahin! Iibigin. At gugustuhing ipak.

Kinabukasan, nagmamadali akong umuwi. May natanggap akong email na may kalakip na larawan. Si Moymoy! May nakadiing kutsilyo sa leeg niya! Meron pang tatlong bote ng beer sa gilid niya! Ang nakasulat sa baba, “Adobo o Inihaw?”

Ibibitin ko talaga siya ng patiwarik! Kukuhanan ng larawan at lalagyan ko rin ng sulat na “Adobo o Inihaw?” Siya ‘tong parang hayop sa inaasal niya!

“Hoy! Asan si Moymoy!” Galit na galit kong panunugod.

“Kain ka muna, masarap ang adobo ko.” Siya naman ngayun ang nang-aasar.

“Hindi ka nakakatuwa. Asan siya?” Pagpipigil ko sa sarili.

“Relaks… Binabalatan ko pa lang.” Sabay ngisi.

“Ba’t ba ayaw mong tanggapin na pak buddies nga sila!” Konti na lang.

“Eh, ikaw pala ‘tong pakshet!” Bigla umusok ang ilong n’ya sa galit.

“Dinudugo si Maymay ‘pag nagbubuntis! Ikamamatay niya!”

Hindi ako nakasagot. Kaya pala sobra siya kung makasugod na parang nilulusob na tayo ng mga Intsik. Makasigaw na parang may limampung wang-wang. Kawawang Moymoy. Wala ng Maymay.

Pagkatapos nun, hindi ko na hinayaang kumapitbahay si Moymoy. Takot akong baka siya ang maging dahilan ng pagkamatay ni Maymay. Kasama na rin dun ‘yung takot kong baka isang araw, eh meron akong libreng ulam na adobo o inihaw. Hinanapan ko na lang ng ibang pak buddies. Si Aida at si Fe.

Pero ang nakakatawa, nung itinigil na ni Moymoy ang pangangapitbahay, saka ko naman natutununang mangapitbahay. Dun sa nagmamay-ari kay Maymay. Nakaka-miss palang marinig ‘yung mga sigaw niya. At makita ‘yung pagmumukha niya. Totoo nga rin pala, masarap ang adobo niya.

Kahit di man sila itinadhana, kami naman pala ang itinakda. Kung naging pak buddies sila, ganun din ang aming ginawa. Ang pagkakaiba, pinakasalan ko muna.

————–

*Wala pong nasaktang hayop nung isinulat ang istorya ni Moymoy at Maymay.*

Mema(sabi): Buti pa ang aso… pwedeng wingman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s