Slowmo

Screen-shot-2011-06-29-at-11.20.48-AM

Kinakabahan ako, magkikita na rin tayo.

Pagkatapos ng ilang buwan, di pa rin ako makapaniwala na makikita na nga kita. Totoo nga, dreams do come true. Ikaw lang naman ang pinapangarap ko. Ang nilalaman ng panaginip ko, ng dasal ko. Gabi-gabi. Linggo-linggo.

Makikita ko na rin ang mga ngiti mo, maririnig ko na rin ang mga tawa mo at masasabi ko na rin ang mga salitang, “I love you.” Harap-harapan.

“Passengers from Bangkok, Thailand are now arriving at gate 2 terminal.”

Konting minuto na lang! Para akong nasa horror movie sa bilis ng tibok ng puso ko. Pero alam ko namang hindi horror ang makikita ko.

 Titig na titig ako. Natatakot akong sa isang segundong pagkurap ko, naka-alis ka na pala sa harapan ko.

‘Yun na! Biglang may lumabas na babaeng nakaputi. Parang biglang tumigil ang mundo. Nag-slowmo.

Para kang naglalakad sa altar, puting-puti. Dahan-dahan nang may ngiti sa ‘yong labi. ‘Yung mahihiya lahat ng mga modelo ng toothpaste sa ganda ng iyong ngiti. ‘Yung mahaba mong buhok, parang sumasayaw sa galaw ng hangin. ‘Yung paglalakad mo ay parang sinasaliwan ng musika. ‘Yung paborito nating kanta.

Muntik na kitang ‘di makilala. Sobrang ang ganda-ganda mo na.

Hanggang sa bigla kang nawala! Asan ka?!

Pagtingin ko sa baba, nadapa ka pala! Oppss….

 Naku, sori. ‘Di ba dapat, nasalo kita? Parang sa mga pelikula. Perfect na sana, nasobrahan lang ako sa pagkatulala. 

“Di mo talaga ako tutulungan dito?!”

 Pulang-pula ang ‘yong mukha. Bagay pala sa’yo, parang naka-blush on ka.

Pag-uwi natin, dinala muna kita sa simbahan. Pangako ko kasi sa’yo na ‘yung una nating date ay sa loob mismo ng simbahan.

Mula sa araw na ‘to iba na ang dasal ko,

“Lord, sana ‘pag niyaya ko siya, ‘wag na ‘wag siyang madadapa… joke lang, Lord. Sana, pag niyaya ko siya, oo agad ang sagot niya.”

——————

Mema(sabi): Gusto ko rin ng slowmo! San ba ‘yan nabibili?! Papakyaw ako!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s