Ang Babaeng Pinaka!

26671_410600808417_580953417_4245824_7021728_n

Nung nakita kita, sabi ko, “Wow. Siya ang pinakapangit na tao sa mundo.” Pero hindi ako nagsalita, sabi kasi ni Mama, “Wag magsasalita kung walang magandang sasabihin.” Kahit lagyan ko pa yata ng wow sa simula.

Kaya sinubukan ko na lang na sabihin sa pamamagitan ng aking mga mata. Sana nabasa mo. Muntik na nga akong magkasore eyes kakatitig sayo.

Sinubukan ko ngang sumulat kay kapitana. Sabi ko bigyan ka naman ng pagpapahalaga. Aba, nasa aming probinsiya ang babaeng pinaka!

Kumbaga sa bigas, para kang NFA rice. Kumbaga sa Araneta, general audience. Sa food chain, ‘yung lowest form. ‘Di ka nga papasa sa pwede na. Kahit pusa, isusuka ka.

Nung nakita kita sa kalsada, sabi ko, “Lupet! May naglalakad na inidoro!” Meron na palang ganun! Astig, ha!

Nung nakita kita sa palengke, sabi ko, “Naks! Improving, may lampasong tinubuan ng paa.” Mukha kang pangkuskus sa sahig sa tigas ng ‘yung buhok. Pwede na nga ring pangliha ang kapal ng ‘yung mukha.

Nung nakita kita sa simbahan, sabi ko, “Lord! Ilayo mo ako sa kasalanan.” Paulit-ulit. Pumikit na lang ako buong oras ng misa. Mahirap na, baka ako’y magkasala.

Iba ka talaga. Ang babaeng pinaka! Sino nga ba ang mag-aakala?

Hindi na ako magtataka, kung maraming madadala sa’yung kakaibang ganda na ikaw lang ang nakakakita.

Alam mo, mapapatawad na sana kita. Matatanggap na sana kita. Bilang ipinalit niya. Bilang mahal niya. Kung hindi mo lang ako binulungan ng,

“Pangit man ako sa ‘yong paningin, siya’y akin pa rin.”

Dahil tama ka, kung anong ikinapangit mo, siya namang ikinaganda mo sa mga mata niya. Mahirap pantayan. Mahirap kwestyunin.

——————

Mema(sabi): O di ba, kahit ang babaeng pinaka, may nalalambat na isda. Kaya relaks ka lang, may malalambat ka ring matabang isda.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s