Hugot Entries 

Kapag bored ka, ang pinakada-best na pwedeng gawin ay magsulat kaya naman nung dalawang buwan ako sa Europa, paminsan-minsan, nagsusulat kapag nasa tren or hostels. Ang kinalabasan, ang dami ko pa lang hugot entries!

  

“Lust is a sugar candy sweetest at the peak of boredom and alcohol. Wala akong laban sa landi.” – nung iniwan ako ng roommate kong Italian for a Spanish guy. At ng isang Pinay for an Italian guy ahahahaha! Kati! Kati kayo dyan.

“Why is it that broken things are vulnerable to more brokenness. Why is it that those suffering from pain tend to suffer more.” – Entry nung natwist ng limang beses ‘yung kaliwang paa ko. Masakit! Alay-lakad sa Toledo.

“Consequences of our actions, no matter how disgusting, must be owned up.” – Hugot entry nung nagsuka ‘yung roommate ko sa sahig (alas tres ng madaling araw) sa sobrang lasing. Argentinian si ateng.

 “I deserve better than this. There are too many injustices in the world that coffee should not be one of them.” – my thoughts nung nagkamali yung waiter. Cappuccino hindi espresso ang order ko. Wag kape, pls. Wag.

“I refused to be treated less. People should not discrimate based on relationship status or eating solo.” – Entry nung ayaw akong paupuin sa couple’s table (romantic setting) sa isang resto sa Sevilla. I felt insulted kaya muntik na mag-walk out. Binigay din sa’kin! Hahaha Singles for the win!

“I love autumn. I love how the trees courageously let go of their leaves even though they know, they have no one in winter. Ganun dapat. Anung silbi ng jacket at kumot.” – Hugot entry nung nadaanan ko ang mga makukulay na puno sa Mannheim.

“Oh, how amazing that the people who helped you can be the same people whom you can extend the same kindness.” – Entry nung sinitsitan ako ng isang mama para ituro ang tamang daan. Saka ko naman tinulungang magbuhat ng kanyang dilaw na maleta. Ahaha

“Kindness begets kindness.” – nung nilibre ako ng kape ng isang Korean. Ginising ko lang naman siya nung bababa na sa istasyon ng tren. Oha!

 “Love is funny and silly.” – Entry ko para ilarawan yung baliw na magjowang (taga Czech) nakilala ko sa Granada. Nagmumurahan sila todo max. Pero ok lang pinabaonan nila ako ng tsokolate. Nomnomnomnom.

“Travel may break your heart for the things that you see but it restores your faith in humanity.” – Entry nung nilakad ko ang Bratislava. Ang daming parang Quiapo lang sa atin, nakakatakot at nakakalungkot, pero nung ako’y nawala, todo tulong sa pagsulong ‘yung binigay nila. Apir!

“Being  educated does not exempt you from stupidity and silliness.” -Naiwan ko ‘yung glasses ko sa hostel kaya naiwan rin ako ng tren. Patas lang. Minsan sa buhay, tatanga-tanga tayo.

Hahahaah play with words! Akala mo naman ang deep ng mga pinaghuhugutan. Parang sa art. Sa mga enthusiasts, “The dominant blue color of the painting evokes deeper emotions of melancholy and delusions”. Sa artist, “Blue. It’s the color of the sky.” Tapos ang usapan. Hahaha

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s