0

Ang Pato, Swan at Baboy

ysl-seventies-shoot6

“Sori, di ka imbitado. Hindi imbitado ang mga pato sa party ng mga swan.” Sinabayan ko ng flip ng buhok at walk out. Ganyan ako kasama. Ganyan ako mang-alipusta. Sinimulan niyo, tatapusin ko.

“Ba’t di mo siya inimbitahan?”

“Ayoko sa pato. Mahilig sa tira-tira ng iba.”

 

Masyado kong itinanim sa utak ko na masarap maghiganti sa taong tulad mo. Hindi ko ‘to ginusto, pero andito na tayo.

Kayo nga dyan, ni hindi niyo ako inimbitahan nung magdesisyon kayong magpafiesta. Makalat. Makulay. Maingay. Ang aking mahal na bestfriend at mahal na boyfriend. Nasa iisang kama. Kung inimbitahan nyo lang ako, eh di sana, baka mas masaya pa. Wala sanang ganito. Wala sanang nasaktan at nasasaktan.

Masarap ba siya? Ni hindi ko nga natikman, tinikman mo na. Baka dahil masyado akong pakipot pa, kaya naghanap naman ng iba. Sabi nga nila, kapitbahay first. Nagkataong ikaw ang pinakamalapit na pwedeng bumukaka. O siya, sayo na siya. Kahit magpaparty pa kayo magdamagan. Araw-araw. Gabi-gabi.

Sinabihan pala ako, sobra na daw ang aking pang-aalipusta. Ni hindi nga nila alam na pagkatao ko ang inalipusta. Kung ipagkalat ko kaya? Wag na. Baka koronahan ka pa na reyna ng mga puta. Baka masyado ka pang matuwa, ikamatay mo pa. O di ba, ang bait ko pa!

Kaarawan mo na sa makalawa. Di ako makakadalo pero meron akong regalo. Labimpitong pato. Ka-edad mo. Kaugali mo.

Pero hindi dun nagtatapos ang regalo ko. Bibigyan pa kita ng isang kasamang baboy. Dahil ang pato ay nababagay sa baboy. Gawa kaya kayo ng munting pagsasalo. At tatawagin natin ‘tong “Hayuuuup kayo!”

0

Torpeng Fishbol

10424519_320216091464332_237774237_n

“Manloloko!” Pak.

Sa lakas ng sampal ko, baka naghiwalay na ang bibig at tenga mo. Sa lakas din ng boses ko, tumigil ang mundo.

“Ate, ‘di ‘yan! ‘Di ‘yan ang boyfriend ko!”

Tinignan kita. Mukhang galit na galit ka. Kulay mansanas ang ‘yung mukha.

“Uhm… Sori. Peace!”

Mukha ka pa namang mayaman. Mukhang may class. Pwedeng-pwede mo akong ipafiring squad.

“Pagbilang ko ng tatlo, takbo… Isa, dalawa, tatlo, takbo!”

Akala ko tuluyan na kitang maiiwasan pero maliit lang pala ang mundo. Nung humingi ako ng pasensiya, humingi ka ng libre. At dahil ikaw ay mayaman, dinala kita sa fishbolan. Aba ‘wag kang choosy. ‘Yun lang ang kaya ng budget. Tignan natin kung ‘di sasakit ang tyan mong mas malinis pa yata kesa sa lababo namin.

Kinabukasan nga, nagtext kang may diarrhea. Tawa ako ng tawa. ‘Yung tipong mamamatay na ako sa kakatawa. At humirit ka pa ng isa! Kakaiba rin ang trip mo.

“Alam mo para kang tanga. ‘Di ‘yan kaya ng sikmura mo pero kain ka pa rin ng kain.”

“Iba kasi siya. Ibang-iba. A breath of fresh air.” Nakatitig ka sa mata ko. Bigla akong naguluhan, bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nakikimarathon, nagpupumilit makarating sa finish line.

Anong gayuma ang nilagay sa fishbol ni kuya?

‘Yun nga rin siguro ang dahilan ba’t inaraw-araw na nating dalawa.

“Ask me why I love eating fishballs.”

“Ayoko.” Ang sarap mo talagang barahin.

“Ayaw mo bang marinig na… It’s because of you?”

“Alam ko. ‘Di naman ako manhid. Hinihintay na nga lang kitang mag-I love you.”

Gulat na gulat ka. Kaya bigla akong humalakhak. ‘Yung tipong lalabas na ‘yung lungs ko sa kakatawa.

Tinusok mo na lang ‘yung tatlong fishbol at ngumiti.

“When it comes to you, sobrang torpe ko. Siguro dahil iba ka sa lahat. Maybe, that’s why I fall. Three fishballs for three words – I love you.” Sabay abot ng fishbol.

Nosebleed man ‘yun ingles mo, kinilig ako! ‘Yung tipong maiihi na ako. Ba’t nakakalasing pala ang masabihan ng I love you? Para akong nakalutang. Nakatitig lang. Nakatulala.

“So, anong sagot mo?” Saka ako natauhan.

“Ano ako, easy to get? Ligawan mo muna ako! Baka sabihin, nakuha mo ako sa tatlong fishbol! Cheap, ha!”

 

Biglang ikaw naman ang humalakhak.

“You are really a breath of fresh air.”

Nanligaw ka nga pero mahihiya ang mga Intsik sa istilo mo. Umaga, gabi, araw-araw.

Sa tatlong fishbol mo ako sinimulang ligawan, kaya nung sinagot kita, iniba ko naman. Tatlong balut. Tatlong isaw. Tatlong kwek kwek. I love you. I love you. I love you.

0

Dalawang Hotdog

Ayoko na. Pagod na ako.”

Ba’t ganun? Parang di ka napapagod. Pawis na pawis ka na pero parang mukha ka pa ring mabango, parang bagong ligo. Parang ang sarap mong halik-halikan. Ang sarap ipagsigawang, Boyfriend koyan!”

Parehong-pareho ‘yung mga hilig natin. Mula jogging hanggang sa paggawa ng cookies. Pagbabad sa mall hanggang sa lakarang walang usapan, mabilisang plano lang.

Sino ba ang mag-aakala na magiging tayo? Lahat ng tao, ayaw sa’yo. Makakasama ka lang daw sa buhay ko.

Sinagot kita kahit ayaw nila. Dinaig pa natin ‘yung mga teleserye ng mayaman at mahirap, o kaya’y ng katulong sa amo, ng kabit sa asawa. Kulang na lang talaga ikulong ako o igapos sa kama.

Kahapon, sabi ni Papa, itigil ko na raw ang kalokohang ‘to. Pero, ba’t ako susuko, kung handa kang ipaglaban ako? Bakit ko hahayaang mawala ‘yung kaisa-isang taong nagmahal sa akin nang totoo? Minahal mo ako nang buong-buo.

Aaminin ko, ilang beses na rin na gusto kong sumuko. Ang hirap na ‘yung mga mahal mo sa buhay ay ‘di tanggap yung desisyon mo. Pero pinaninindigan ko na lang ‘yung pangako ko sa’yo na walang iwanan, walang sukuan.

Sabi nila, lahat naman daw ng relasyon ay komplikado. Kaya heto tayo, ang gulo-gulo. Sa huli, tayo naman ang magsasama, hindi sila kasama. Ito’y love story nating dalawa, hindi nila.

Di ba nga, hindi naman natin hawak ang puso natin? Ito ang pumipili sa mamahalin natin.

Umaasa pa rin ako na sana’y matanggap din tayo. Dahil bawat pusong umiibig ay nangangarap ng isang happy ending.

Ako pala si Pat. Siya naman si Andy. Oo, pareho kaming beki.

2

Langka (Pick-up Line)

“Red horse ka ba?”

Bakit?”

Kasi ang lakas ng tama kodito.”

Eeeeeee. Hayan ka na naman, eh. Ang landi-landi. Sige ka, baka masobrahan sa kilig ang puso ko.

Ganyan ka naman lagi. May baong pick-up line. Ako naman, todo kinikilig at humahagikgik. Bonus pa ‘yung paghampas-hampas ko ng isa, dalawa o tatlong beses.

Ganyan nga. Ganyan tayo maglandian.

 

Bakit ba ako kinikilig sa’yo? Kapag iba ang pumick-up line, sigurado akong ang korni korni ng dating. Pero iba ka. Siguro dahil pogi ka at masarap kasama. Ganun naman ang mga jokes, eh. Depende ‘yan sa nagsabi.

Oi, F.Y.I. ha!” Pahabol mo bago ka umalis.

“Ha? Ano yun?” Nagtataka kong tanung.

“Forever, you and I.” Sabay kindat at flying kiss.

 

Ang haba-haba na talaga ng buhok ko!

“Potassium.” Sabat ng chemistry student na kaibigan mo. Napatitig ako sa kanya. Sabi ko na nga ba, ‘pag iba ang nagjoke, sobrang waley. Ako lang ba talaga o sobrang korni ng potassium bilang ang simbol ay K? Naku, K for Korni ha.

 

Nung sumunod na araw, ako naman ang may baon.

Kelan mo ba ako sasagutin?” Patweetums mong tanung.

“Ewan ko ba sa’yo para ka kasing taxi.” Mas patweetums kong sagot.

“Ha? Di naman ako madugas ha!”

Habang tumatagal, napapamahal ka na sa’kin!”

 

Sa pick-up line mo ako niligawan, dun din kita sinagot. Dun nagsimula ang langka nating pagmamahalan. Langka-tulad. Langka-tapusan.

‘Yun ang akala ko… dahil naglipana pala ang mga babaeng Maja… mahaharot at mahahadera.

Sa tuwing nakikita kita, naiisip ko pa rin naman ang langka. Langka-dating-dating. Langka-kwenta-kwenta.

 

0

Leche Flan Ampalaya Flavor

Letseng buhay. Sabi mo, ako lang. Sabi mo, wala nang iba. Letse ka. Naniwala naman ako.

Bakit ganun, lagi na lang akong niloloko? Hindi naman ako laruan, ah. Pero bakit ako pinaglalaruan? Ang sakit ha, ang sakit paibigin, saka lokohin. Letse ka. Letse ka talaga. Alam mo ba yun?

Mahigit limang taon din kaya tayo, ‘yun pala marami kang on the side. Teka lang, baka naman hindi pala ako ang main course? Baka isa pala ako sa mga appetizers mo?!

Inaral ko pa naman ‘yung paborito mong leche flan. Alam mong di ako marunong magluto pero kinarir ko. May extra asukal at gatas pa para extra tamis. ‘Yun pala extra panloloko, ang ibabalik mo.

Ang kapal din ng mukha mo, noh? Sarap na sarap ka sa leche flan ko, ‘yun pala nag-eenjoy ka rin sa leche flan ng iba. Letse ka talaga. Sana pala nilagyan ko ng extra lason baka sakaling tumino-tino ka.

Minsan, tinanung kita. Anung naging problema? Anung kulang? O baka may sobra? May kailangan ba para maging sakto sana?

It’s not you, it’s me. Madamdamin mong sagot.

Letse! Gagamitin mo pa talaga ‘yan sa akin. Sobrang gasgas na linya. Isanglibo’t tatlongdaan at limampung beses na ginamit sa pelikula. Mag-isip ka naman ng bago. ‘Yung may dating. ‘Yung panghahawakan kong rason sa ‘ting hiwalayan. Kokopya ka na nga ‘yung mas nakakaloko pa. Nainsulto ako, letse ka.

Bakit di mo kaya itry ‘yung kina Popoy at Basya, “Hindi na ako masaya.” ‘Yun! Mas makatotohanan! ‘Yun! Mas kapani-paniwala!

Kagabi pala, gumawa na naman ako ng leche flan. Sabi ni Mama, parang nag-iba daw ang lasa. Sobrang pait ‘tulad ng sunog na ampalaya.

Kaya ayoko na muna.

Tama na muna.

Saka na ‘pag ‘di na ako kumakain ng ampalaya. Aaralin ko muna. ‘Yung sakto lang sa panlasa.

Baka sakali, di na ako tatanga-tanga.

Baka sakali, ‘di na ako lokohin pa.

Sana lang talaga.

Ipagdasal mo ‘ko, ha?

*Larawan galing sa Pepejeans.

0

Pabili ng Pacencia

Pabili po ng pacencia!”

Sana lang talaga nabibili din ang pasensiya. Para sa bawat pagkakamali at kalokohan ko, eh reregaluhan na lang kita. Kahit ilang truckload pa.

Hindi naman kita masisisi kung ayaw mo na. Sa dinami-dami ba naman ng kalokohan ko. Akala ko kasi kahit anung gawin ko, eh andyan ka pa rin. Sabi mo kasi, eh. Hayan, ginawa ko tuloy.

Pasensiya na, ha. Sumobra nga yata ako. Naghamon ako ng hiwalayan dahil walang “I love you” ang text mo.

Nung ikaw naman ang naghamon ng hiwalayan, ang sabi ko lang, Ang taray! Apir!”

Naglagay ng sili sa halo-halo mo. Nagalit ka at wala akong masabi kundi Wasabi… flavor?

Siguro, ang pinakamalala ay ‘yung nagpanggap akong nagbuntis at nagpalaglag sa nanay mo. Sabay sabi ng “Joke lang lahat, tita. ‘To naman di na mabiro.”

Ang sabi mo nakakatuyot ako ng dugo. Nakakagago. Nakakaloko.

Maniwala ka man o hindi, ‘di ko talaga sinasadya na sagarin ang pasensiya mo. Sana tanggapin mo pa rin ‘yung sori ko.

Mahal naman kita, eh pero ayaw mo na. Sabi mo pagod ka na. Akala ko kasipag nagmamahal, hindi napapagod. Hindi nga ako napagod, di ba?

Ganun pa rin naman ako kahit nung ‘di pa tayo. Maloko. Sabi mo ‘di ko kelangang magbago pero ba’t kelangan ko palang magbago? Sana sinabihan mo muna ako bago ka umayaw ng todo. Masakit, eh. Para na rin akong niloko.

Siguro sa susunod kong makikilala, pagsasabihan ko na kelangan niya ng maraming pasensiya. Baka ‘yun ‘yung sikreto para maging masaya.

Sana lang talaga, may nabibiling pasensiya para pwede pa. Baka sakali, bumalik ka.

*Larawan galing sa Rogue Magazine.

0

Babaeng Palaka

Sumubsob daw siya sa kanal. Sana nakita mo na ako ang may kagagawan. Ang sarap sarap ng pakiramdam. ‘Yung pakiramdam na gusto mong magpainom sa buong barangay!

Bakit ba siya ang pinili mo? Bakit ba hindi ako? Ano bang meron siya na wala ako?

Ba’t ba ‘di ako pwedeng maging puto sa dinuguan mo? Ang pandesal sa ‘yong kapeng barako? Ang tuyo sa iyong champorado? Ba’t ‘di pwedeng maging tayo?

Lahat naman gagawin ko para sa’yo. Handa akong maging labandera, kusinera at yaya mo. Lahat kakayanin ko. Lahat gagawin ko. Basta maging tayo.

Hayan, tumatawag ka na. Ano kayang kailangan mo? Tatanungin mo na ba ako para maging Darna ng buhay mo?

“Hello?

Tumigil ka na!” Ang sweet mo…. Ang sweet mo sa kanya.

Kahit na anung gawin mo hindinghindi magiging tayo!!!”

Aray. Aray naman. Hindi lang tenga ko yung masakit pati na puso ko. Hindi porke’t kontrabida, eh hindi nasasaktan, hindi umiiyak, walang puso. Tingin niyo ba gawa ako sa bato? Masakit kaya. Ngayun, ‘yung pakiramdam na gusto ko na namang magpainom sa buong barangay pero sa ibang kadahilanan.

Hindi ko naman pinili na ikaw ang mahalin ko. Isang araw, bigla na lang siyang tumibok para sa’yo. Kung sutil ako, mas sutil ang puso ko. Hindi ko siya kayang mapagsabihan kasi ‘pag nagmamahal, ito’y nabibingi at napipipi.

Sukang suka na rin naman ako sa pinaggagawa ko. Kinain ko na pride at dignidad ko. Wala na ngang natira sa pagkatao ko.

You are better than this.” Bigla mong nasabi. Dahan dahan. Malumanay. Walang galit. May pag-aalala.

Bakit di pwedeng tayo? Ako naman ang nauna di ba?” Pagsusumamo ko.

Ikaw na rin ang nagsabi na hindi natuturuan ang puso. Siya ang binubulong at sinisigaw nito. Siya lang ang—.”

Bigla ko na lang pinutol ang linya. Sadista ako, hindi masokista. Para hayaang namnamin ko ‘yung undying love mo sa kanya. Para hayaang budburan mo pa ng asin, eh masakit na nga.

Ayoko na. Ang sakit-sakit na. Yung pakiramdam na wasak na wasak ka.

Bakit ba walang happy ending ang mga kontrabida? Ba’t ‘di kami pwedeng maging masaya? Umibig lang naman ako, ah. Akala ko ba walang mali sa pag-ibig pero bakit nung ako, lahat na lang sobrang mali. Ganun nga siguro ang kapalaran ko.

Pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko yung ninakaw kong pitong palaka. Nagningning ang mga mata ko. Nabuhay ang dugo ko.

Bukas… Bukas magsasama sila… Nung babaeng palaka.

0

Mais Con Yelo (Kwentong Knock Knock)

Tiffany

“Knock, knock.”

“Who’s there?”

“Ginabing kokey.”

“Ginabing kokey, who?

“Just dance, ginabing kokey! Doo doo doo. Just dance.”

Napuno ng tawanan ‘yung lamesa natin. Hinding-hindi ko ipagpapalit ‘yung mga ganitong moments. Chill lang pero sobrang saya.

“Knock, knock.” Ikaw naman ang bumanat.

“Who’s there?”

“Sinigang!”

“Sinigang, who?”

“Sinigaaaang! Sandal ka lang at ‘wag mong pipigilan!”

Magtataka pa ba ang mga tao kung bakit saksakan tayo sa pagiging korni? Siguro dahil paborito natin ang mais con yelo. ‘Yun din siguro ang sikreto kung bakit tayo umabot ng walong taon. Kahit simpleng knock knock joke lang, eh sobrang benta na nito sa ‘ting dalawa. Corny people stay together… forever. Sabi mo nga, di ba?

“Knock, knock.” Ikaw na naman.

Ang dami mo sigurong baon ngayun. Pinaghandaan mo hindi lang ‘yung dinner date natin. Sabi mo kasi swerte ang numerong otso kaya dapat itodo na natin. Sabi mo pa nga gusto mong maging memorable ang ika-walong anniversary natin. Napressure tuloy ako sa paghahanap ng regalo.

“Who’s there?”

“Will you marry me?”

“Ha?” Bigla yatang akong nalito sa tanung mo. Mas lalo akong nalito ‘nung bigla ka na lang lumuhod sa harapan ko.

“Sabi ko, will you marry me?” Inulit mo pa talaga.

Pero teka lang. Asan ang singsing? Wala naman akong nakikitang singsing.

“Will you marry me, who?” Napaiyak na pala ako.

“Sira. Totoong tanung yun.” Tumawa ka muna bago mo ‘yan sinabi.

“Stop crying, please?” Hagulgol pala yung iyak ko kaya hindi ko na nakikita yung singsing. Lumabo pala ‘yung paningin ko.

“Yes! Sobrang yes!” Kasabay ‘nun ang pagkulay ng madilim na kalangitan – iba’t-ibang kulay. Parang bagong taon.

Pagtingin ko sa’yo, ako naman ang nagknock-knock.

“Knock, knock.”

“Who’s there?”

“I love you.”

“I love you, too.”

At hindi dun nagtapos ‘yung palitan natin ng korning knock knock jokes. Para sa akin, corny jokes make us stay together… forever.

0

Punyetang Siopao

Ma’am, anung order niyo po?”

Isang Gab Mendes. Yung mainit-init pa.”

“Po?”

“Ay, sorry. Isang siopao. Yung asado.”

Punyeta naman oh! Pati ba naman utak ko ay okupado mo, nakikitira ka na nga sa puso ko.

Noong nakaraang araw, kinukulit mo na naman ako. Gustong-gusto kitang pagsabihan ng, Pwede ba busy ako! Doon ka magtanung sa girlfriend mo! Hindi naman akoyung jowa mo!”

Kahit ano yatang gawin mo, di kita kayang tiisin. Kaya heto, to the rescue na naman ang beauty ko. Ewan ko ba, alam na alam ko naman na ang taong bait-baitan, babagsak sa langit-langitan.

‘Wag kang mag-alala, bumagsak na nga ako di ba? Nasaktan. Umiyak para sa punyetang langit-langitan. Punyeta lang talaga. Isa pa yan. Natuto akong magmura dahil napakapunyeta mo lang naman. Punyeta. Isa pa nga, nakaka-adik eh. Punyeta!

Ang lakas ng loob ko ‘pag di ka kaharap noh? Abot hanggang North Pole. Ganun din kaya kalamig ang pag-asa ko sa’yo?

“Girl, mukha ka nang asado!” Sabi nung pakialamera. Anung magagawa ko, eh pinakain ako ng bola-bola?! Hayan tuloy mukha akong asado.

Kapag ako talaga ang naging presidente ng Pilipinas, ipagbabawal ko ang siopao. Nakakasira ng puso. Dapat siguro lagyan ng babala, “Eat at your own risk. Pwedeng nakakagago, nakakabaliw at nakamamatay.”

Pero kahit siguro isanlibong babala pa yan, magpapabola pa rin ako. Minsan kasi masarap ‘yung alam mong pwede kang mabaliw kahit sa isang simpleng siopao lang. Na-enjoy ko naman eh. Kahit di ko rin magets minsan. Baka imbes na ipagbawal ko pala, gawin ko pang pambansang pagkain ng Pilipinas. Bakit naman hindi, di ba?

‘Wag kang mag-alala, ‘di pa naman ako malala. Kumakain pa rin naman ako ng siopao. Ang pagkakaiba, ngayun alam ko na, alin ang punyeta sa pwede na.

Sige lang, padala ka lang nang padala ng bola-bola hanggang tumigil na ako sa pagiging asadong-asado. Salamat ha, punyeta!

0

Lilitsunin at Barbieque

05-Iggy-Azalea-Rita-Ora-Grimes-Jessie-J-AME-Gabrielle-Aplin-Crystal-Renn-cover-HUNGER-Magazine-4

Oi, congrats ha! Kung dati Lilit ka, ngayun Barbie na!

“Ha? Anung Lilit at Barbie?

Lilit-sunin at Barbie-que. Sabay tawa mo nang nakakaloko.

“’Pag mataba, Lilit. ‘Pag payat, Barbie. Ganun?!” Mataray kong sagot.

“’Eto naman. Dapat nga, magpaparty ka!”

Bakit ba aping-api ang mga matataba?

Wala naman kaming ginagawang masama?

Sawang-sawa na akong mapagkamalang buntis sa airport o kaya’y sa mga train stations. Sawang-sawa na akong tawaging suman o kaya’y sausage. Sawang-sawa na akong masabihang, “May swimming? Ba’t may dala-dala kang salbabida?” o kaya’y “Mare, sa susunod ha, iwan mo naman yang beltbag mo.” Sawang-sawa na rin akong makatanggap ng mga tweets na:

“’Yung eksenang, tinimbang ka pero sobra!”

“’Yung eksenang, tinawag moyung timbangan na manloloko!”

“’Yung eksenang, akala mo nakasale ang mga bus seats, two-for-one!”

“’Yung eksenang, hinainan ka ng demanda – illegal possession of fats!”

Masakit kaya. Para namang wala kaming karapatang mabuhay. Para namang wala kaming kwentang tao. Hindi kasalanan ang maging mataba! Masarap lang talagang kumain o mas tamang lumamon!

Pero tapos na ‘yang mga pinaglalaban ko. Hindi na ako kabilang sa Lilit community. Belong na belong na ako sa Barbie Society. Kasya na sa akin ‘yung mga pinapangarap kong damit sa H&M. Kayang-kaya ko na silang irampa, kahit saan man nang walang tumatawag sa akin ng suman. May korte na ako, may kurba.

Pero akala ko, magiging tunay ang kasiyahan ko. Akala ko kasi mamahalin mo ako. Akala ko ‘pag payat na ako, may pag-asa yung salitang tayo”. Wala namang nagbago. Sa katunayan nga, ikaw ang nagbago. Pansin mo ba na lumolobo ‘yung tyan mo?

Kahit isang beses lang magtagpo naman tayo. Dati ‘pag niyayakap mo ako, hindi nagtatagpo ‘yung mga kamay mo. Ako naman ngayun ang ayaw magtagpo ‘yung mga kamay ko.

Bakit ba napaka-out of reach mo? Sabi mo, mahilig ka kasi sa larong habulan. Kaya heto na naman ako, lumalamon. Baka maabutan kita. Baka sa susunod magtatagpo na tayo. Bahala na kung iwelcome back ako sa Lilit community at farewell party naman sa Barbie society. Basta pwede ko lang ipagsigawang… tayo.