0

Tips When Traveling Across Europe by Train

Levitalks

IMG_2587

I am not allowed to reblog my article in acrosscities.com so I’ll just post the link here.

Tips When Traveling Across Europe by Train

It’s very helpful for those planning to travel across Europe. It has tips whether to buy train pass or point-to-point tickets, to reserve seat or not and what is/are the coverage of a train pass. I think it’s comprehensive enough for train travellers.

IMG_2669

Please read (and share) the article and tell me what’s on your mind. Thanks!

View original post

0

Six Things 2015 Has Taught Me

As we end 2015, it’s important to look back and think of the things that made it wonderful. Happy 2016 everyone.

Levitalks

IMG_2376 Amsterdam, The Netherlands

As I read people’s yearender posts on how amazing 2015 is, I look back to how I lived mine and reflect on the things that I’ve learned best.

I was unemployed from January to April then went back to corporate work on May 2nd only to travel to Europe from mid-October to mid-December. The carefree and easygoing wanderlust bug has gotten into me since my “residency” in the UK from 2012 to 2014. Or maybe even after that. But for today, I will talk not about the places I’ve scratched on my map but about the things that hit me the most.

1. People are generally kind.

DSC_0612_1 Amsterdam, The Netherlands

Believe on the kindness of people whom you will meet. I’ve talked about kindness of humanity on a separate post but I didn’t detail on how a stranger bought and gave us foods on the way…

View original post 420 more words

0

Labs Kita, Talagang-Talaga

“Masakit?”

Ay hindi! Putangina, try niyo kayang mabasted! Hindi lang isa kundi dalawa pa! Saklap. Double whammy lang?!

Pero ‘di ko rin maintindihan bakit ‘eto pa rin ako, sinusuyo ka, nilalandi. Ayaw tumigil ng puso ko na mahalin ka. Siguro nga, three’s the trick. Baka sa pagkakataong ito, iba na ang sagot mo. Baka oo. ‘Yun nga lang baka siopao na naman– bola bola at asado. Konting bola-bola mo lang, asadong-asado naman ako. Kung sinuswerte ka nga naman sa kapalaran.

Sabi ni Ryan, kahit katiting na chance, basta may chance, push ko lang daw. Kaya eto sa pangatlong pagkakataon, ibinibigay ko na naman ang puso ko. Ang tindi ko rin noh? Mas matindi pa yata kesa dun sa battle of greatness nina Pacman at Mayweather. Pero sabi naman ni Jeff, “Hoy, ang hinog sa pilit ay mapait.”

Kahapon, nagmessage ka na naman. Sabi mo, “Hello, can you do my case study?” Eh kung ikaw kaya ang i-Do ko! Joke lang. Sympre ang sagot ko, “Of course!” may kasama pang heart at dobleng smiley. Patay na patay sa’yo noh? Sinabi mo pa!

Kinagabihan, nagmessage ka na naman. Sabi mo “I’ll never find someone like you.” Kinilig naman ako. Mula ulo hanggang paa. Tumagos eh. Iba talaga ‘pag ikaw, konting salita lang, parang abot ko na ang langit. Kaya nga kahit dalawang beses mo na akong dinala sa impyerno, maraming beses ko namang naabot ang langit.

Kanina lang, nagmessage ka na naman. Hindi ko na mabilang kung ilang pabor ‘yung hiningi mo at ibinigay ko. Masyado yata akong mapagbigay. Hindi ka naman user di ba? Ang bait-bait mo nga eh. Kaya nga kita minahal at minamahal.

Ang saya siguro kung tayo. Ang saya siguro… pero panu ‘yun… Iiwan mo rin naman ako. Mag-aaral ka na kasi sa Inglatera. Ako… mag-aaral rin naman. Aaralin kung paano ka kalimutan. Magmove on, kumbaga. Kasi ngayun, hindi ko pa kaya.

——–

Hango sa totoong buhay…. Ni AA. 🙂 Ang pagmahahal di naman nasusukat kung ilang beses kang nabasted, kung ilang beses kang nabigo. Basta ba masaya ka, pero sabi ko nga, baka iniisip mo na siya lang ang pwedeng magbigay sayo ng happiness, kasi marami dyan. Tulad na lang ni Khaye. #KhayeVin #Push

0

Ninangkupo!

“Sige!”

Bigla niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. Parang libo-libong paputok at nagkakantahang mga anghel ang pumuno sa kalangitan.

“Salamat. Hinding-hindi ka magsisisi.”

Parang gusto ko na ngang magsisi.

“Alam kong magiging mabuti kang ninang kay Butchoi.”

Masokista yata ako. Bakit ba pagdating sa kanya eh ‘di ko alam ang salitang “ayoko.”

“Padala ng gamit ko.”

“Sige.”

“Pautang ng isandaan.”

“Sige.”

“Nakabuntis ako. Maghiwalay na tayo.”

“Sige.”

“Pwede ka bang maging ninang?”

“Sige.”

Oo, alam ko. Kung gaano ako katalino, ganun naman ako katanga sa pag-ibig. Iputong niyo na sa akin ang korona, isabit ang sash at ibigay ang bulaklak dahil kung may reyna ng katangahan, siguradong panalo na ako.

Niloko na nga ako pero ba’t ‘di ko pa rin magawang magalit. Ba’t para akong maamong tupa at anghel sa kabaitan na sunod nang sunod pa rin sa bawat gustuhin niya. Ba’t pinapatay na nga ako sa sakit, ‘di ko pa rin magawang ishare sa kanila ‘yung pait. Ilanglibong beses na akong umiyak…  pero ‘eto pa rin ako.

Siguro, mahal na mahal ko lang talaga siya. Na di ko siya mahindian. Na di ko siya maatim na gantihan. Na kahit ako na lang ang masaktan, okey lang. Na kahit husgahan man ako ng buong mundo, okey lang.

“Hayyyy.” Isang malalim at malakas na buntunghininga ang aking pinakawalan. Andito na ako sa simbahan. Wala nang bawian.

“Miss, okey ka lang?” Boses lalake.

Paglingon ko, parang libo-libong paputok at nagkakantahang mga anghel na naman ang pumuno sa kalangitan.

Gwapo. Matangkad. Mukhang matalino.

Akala ko pagsisisihan ko ang araw na ‘to. Akala ko sa huli, iiyak na naman ako. Mukhang iba ang araw na’to.

“Okey lang.” Nginitian ko siya at sinalubong ‘yung titig niya.