0

Bakit Ang Dami-Dami Nating Pinaglalaban Sa Buhay?

DSC_0488

Bumili ako ng kape, latte, pero ang binigay ni ate, mocha. Inis na inis kong pinagsabihan si ate na latte po. Ayokong makiuso kay Mocha Uson, pwede ba. Sa dinami-dami ng injustices sa mundo, ‘wag na natin isama ang kape.

Nung pinaghintay ako ng 20 minutes, iritang-irita ako dahil nagmukha akong halaman na hinahalik-halikan ng mga pakshet na lamok. Alam mo ‘yun. Choice ko namang maghintay pero masyado akong affected.

Sabi niya, “Ayokong masabihang mayabang.” Sabi ko, “Mayabang ka naman talaga”, with matching deep conviction sa side ko. ‘Yung tipong kahit umabot kami sa supreme court, ipaglalaban ko.

Sabi niya, “Kontodo make-up siya!” Sabi ko, “Wow. Pati make up, kasama na sa dislike equation!” Sige, ipush lang natin ang I-hate-list sa taong ‘yan baka magustuhan tayo ng iba. I-todo na natin ‘yung panlalait hanggang sa kulay ng underwear niya. Sabi nga, maliit man o malaki, kasalanan pa rin ‘yan so imaximize mo na. Nakulangan ka pa.

Tinanung ako, “Ba’t ang busy busy mo?” Nireplyan ko, “Try mo kaya magwork for once.” Dinamdam nya. Sige, ipaglaban ang feelings ‘pag tayo ay naaapi! Wala namang pumipigil sa atin ‘pag tayo ay nasaktan. Feelings mo ‘yan. Entitled ka.

Pinameet the parents ng kapatid ko ‘yung Bikolano niyang jowa. May mga nagmessage sa FB na asan daw ‘yung akin, kelan daw ako, ba’t daw nauna ‘yung mas bata. Sana maramdaman n’yo ‘yung bitterness sa seenzone ko. Kakaloka kayo. Mga feeling close. Minessage ko na lang si Mama, pwede ba pakisabi sa mga tao dyan ‘wag akong imessage ng garbage. Oh di ba, pati ba naman ‘to pinalaki ko pa.

Nung Sabado, sinita ako nung guard sa di ko maintindihang kadahilanan kaya binigay ko na lang ‘yung dala kong popcorn. Stock ko pa naman ‘yung para sa SEABA Thailand versus Philippines basketball. Hayun, 10% less sa intensity ng cheer ko. Desisyon ko namang ibigay so ba’t di ko malet go let go with matching computation ng loss?

Nag-email si Golf ng “Dear Lvi”. Sino si Lvi?? Levi kasi. ‘Yung blood pressure ko tumaas. Nireplyan ko na lang ng “Dear Glf”. Maghanapan na lang kami ng mga nawawalang letra. Priorities di ba?

Nung minsan, may nagtanung if gusto kong magpabili ng dinner para di na ako lumabas. Umoo naman ako. Hayun, nagexercise muna siya, nanood ng taekwondo, nagswimming, naligo. After 2 -3 hours, saka dumating ‘yung dinner ko. Fault ko naman ‘yun. Di ako nagtanung anung oras siya makakauwi. Kaya choice niya kahit hatinggabi pa niya dalhin. Muntik ko na ngang sabihing salamat pang dinner ko ‘to bukas.

Nung minsan, sinabihan akong ba’t may chat groups daw na wala siya. Ako ba, nang-issue na wala ako sa mga ibang groups? Kakagigil. Kakapunyeta.

Minsan, may pinakilala sa akin sa office. Nung bumalik, pinagsabihan kong, “bat mo pinapakilala eh di naman kami magkawork or any future work??” Natulala siya. hahaha Outburst. Blame it to a bad morning. Nag-sorry naman ako dahil walang sense yung pinaglalaban ko.

Ang dami-daming nangyayari sa mundo na kahit kaliit-liitang bagay eh issue na. May nagsabi na bat ang hilig kong mang-issue gaya na lang daw nung nagmessage siya sa google chat group na pasintabi dahil magmemessage siya sa FB group. Di ko makita sense so call out ko ‘yung kagagahan niya. Pero pati ba naman nga raw to, issue? Nga naman!

Sa dami na rin ng pinalampas ko, umabot na ako sa breaking point na konting push pa mang-aaway na rin ako. Feeling ko sa dami-dami ng nonsense na binabato sa akin, puno na ako. Feeling ko di na healthy. Pero baka nga ako lang talaga ’to! Marami rin akong kagagahan kaya gaga rin ‘yung mga nasa paligid ko. Hahaha Sa susunod, wag na lang kausapin ‘yung mga tao. Buti na lang mas may sense ‘yung mga tao sa FB messenger at twitter DMs. Kaya intact pa ‘yung sanity ko.

0

Dakilang Abangers

IMG_1153.JPG

Aray! Masakit sa mata. Bat nakatutok sa akin ang spotlight? At ba’t nasa akin ‘yung bouquet ng rosas?

At teka lang, ba’t hawak mo ‘yung kumikinang na garter? Sobrang itinaas mo pa sa ere. Aakalain mong nanalo sa isang patimpalak.

Tinawag kami sa harapan. Ayoko man. Kelangan. Isinuot niya sa’kin ‘yung garter kasabay ng mga pito, halakhak at tawanan. Sana isa ako sa mga tumatawa. Sana ganyan rin ako kasaya.

Ang pinakamasaklap na pwedeng maitadhana sa’yo ay ang mahulog sa isang malapit na kaibigan. Dahil hawak kamay mo na nga, hindi mo pa rin makuha. Katabi mo na, hindi ka pa rin nakikita. Sabi nga ni Jolina,

“Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend.”

 

Hayy. Saklap.

“Ang ganda mo ngayun.”

Sanay na ako sa mga papuri mong walang laman. Sanay na sanay na rin akong umasa na sa susunod sasabihin mo ‘yan ng higit pa sa isang kaibigan.

“Matagal na.” Hindi mo lang nakikita.

“Sungit.” Aba, nakangiti ka pa.

Anung inaasahan mo? Ipagbunyi ko pa na binasted mo ako? Kinapalan ko na nga ‘yung pagmumukha ko para sabihin sa’yo na mahal kita pero ang sagot mo lang,

 

“Hindi ko alam.”

Malamang! Kaya ko nga sinabi! Manhid! Kung alam mo, eh di sana, hindi tayo magkaibigan.

“Pero alam mo, ‘yun ‘yung minahal ko sa’yo.”

Ano raw? Anong sabi niya? Minahal? Ako?

Ayaw na ayaw ko man, tumitig ako. Ba’t parang totoo? Ba’t parang sinabi mo ngang mahal mo ako.

“A…nong sinabi mo?” Nauutal kong tanung.

“Sabi ko, mahal kita.” Diretso mong sagot.

“Hindi ko alam.” Sa gulat ko, ‘yan ang nasabi ko.

Bigla kang tumawa kaya lahat ng tao tumingin sa’ting dalawa.

“Nagamit ko na ‘yan. Ibahin mo naman.”

May pinatunguhan din pala ang pagiging abanger ko. May pinatunguhan ‘yung pagsasabi ko ng mahal kita. Dapat pala, noon ko pa sinabi, eh di sana hindi ako nasasaktan ‘pag meron kang iba. Hindi kinakain ng selos at inis ‘pag may kahawak kamay na iba.

Ngayun, ‘di na ako dakilang abanger. Sa wakas, pwede mo na akong ipakilala hindi bilang kaibigan pero bilang kasintahan.

———–

“Oh yes, kaibigan mo ako. Kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend.” – Jolina Magdangal, Labs Kita… Okay Ka Lang? (1998)

 

Mema(sabi): Kung mahal mo, sabihin mo na. Wala ng time, baka bukas, eh end of the world mo na. At least, if sinabi mo ngayun, tas supalpal ka, eh… pwedeng totoong iend of the world mo na… Joke! ‘Pag supalpal, iinom mo na lang. ‘Pag hindi, eh, di congrats kaya iinom mo pa rin ‘yan!

0

Itinadhana ng Horoscope

tumblr_n2dp1m3U5f1rf4nooo1_1280

 

“Aray! Aray!”

Limang malalakas na batok ang pinaulan ko sa ulo niya.

 

“Ba’t ka nagpakita?!”

“Anu bang problema?!”

 

“Walaaaaaaaa!”

Labing-isa at kalahating laway yata ang tumalsik sa pagmumukha n’ya!

 

Sabi sa horoscope ko, ngayung araw na’to, makikilala ko raw ang lalakeng pakakasalan ko. ‘Yung panglabingwalo. Kanina pa ako kabado lalo na nung sobrang gwapo ‘yung panglabingpito. Pero pinaglalaruan yata ako dahil si Manolo ang panglabingwalo.

 

Parang ang sarap tumandang dalaga. Parang langit sa aking isip.

 

“Bat ka nga andito?”

“Hayannnnnnnnn.”

Labindalawang laway ‘yung sa kanya. Nalamangan ako.

 

Bigla na lang n’yang iniwan ang isang malaking pulang kahon. Ano to? Hindi ba ‘to bomba?

 

Sa dinami-dami ng kawalanghiyaan ko kay Manolo, ‘di na ako magtataka kung gugustuhin niyang mamatay na ako. Kaya inalog-alog ko muna bago binasa ‘yung tarheta.

 

“Happy birthday.”

 

Teka, pano niya nalaman? Hindi uso ang kaarawan sa kalendaryo ko. Hindi uso ang handa o kahit nga regalo. ‘Pag kaarawan ko, ordinaryong araw lang dahil pwede na sa’kin ‘yung simpleng pasasalamat kay papa Jesus.

 

Pagbukas ko, tumambad sa’kin ang isang higanteng sofa!

Hindi, biro lang! Sympre di naman ‘yun magkakasya.

 

Washing machine!

Biro lang din. Ano ako labandera?

 

Pagbukas ko, ako’y napaiyak. Mali kayo ng iniisip, hindi sangkaterbang sibuyas ang laman ng regalo ko.

 

‘Yung pinapangarap ko lang naman na mamahaling sapatos. Pakiramdam ko tuloy, ako si Cinderella at siya naman si fairy godmother. Ilang buwan ko rin itong pinag-iipunan pero ito na s’ya! Hawak-hawak ko na.

 

Hindi ko alam pano niya nalaman. Masyado ba akong halata kasi tatlong beses sa isang linggo ko lang naman binibisita. O dahil tinipid ko na ang pwedeng tipirin, kupitin na ang pwedeng kupitin pandagdag lang sa aking ipon.

 

Hinabol ko si Manolo. Kelangan kong sabihin na kung magiging fairy godmother na nga lang din siya, eh di sana, isinama nan’ya ‘yung damit ni Cinderella.

 

Biro lang.

 

Kelangan kong sabihin na sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya lang naman ang itinadhanang maswerteng panglabingwalo.

 

—————————————–

Mema(sabi): Ba’t ni minsan hindi lumabas sa horoscope ko na ngayung araw na’to makikilala ko ‘yung taong pakakasalan ko! Life is so unfair!

 

*Larawan – Lee Daniel’s.

2

Kaibigan. Ka-ibigan.

Kaibigan? Ano bang kahalugan ng salitang kaibigan?

Minsan tinanung kita, sino siya. Sabi mo, “Kaibigan lang”.

Minsan tinanung ulit kita, sabi mo. “Kaibigan. Napadaan lang.”

Minsan tinanung ulit kita, sabi mo. “Sinamahan ko lang sa sinehan bilang kaibigan.” Sabi mo pa, “Broken hearted.”

Sobrang bait mo namang “kaibigan”! Award! Friend of the Century!

Hindi ako tanga! Minsan nagtatanga-tangahan lang. Akala ko kasi harmless naman. Akala ko kasi wala naman. Pero minsan ang akala nating wala, meron pala!

“Alam mo bang ni isang beses, di pa tayo nanood sa sinehan. ‘Yung tayung dalawa lang.” Oo, tunog-bitter.

“Ha? Di pa ba?” Pang-award ka na naman! Maang-maangan school of acting. Slow claps. Best actor.

“Cool off muna tayo.” Pang-award din! Swabe lang! ‘Yung parang bumibili lang ng kendi sa tabi-tabi. Aba, hindi ako papahuli!

“Sige, kung ‘yun ang gusto mo.” Aray! Ano raw? Teka lang, ganun na lang basta basta? Akala ko aktingan lang? Patarayan ng linya.

Gusto ko tuloy kunin ‘yung timba, dahil sigurado akong babaha ng luha. Gusto kong itabi lahat ng babasagin, dahil gusto kong mambasag ng mukha. Gusto ko ring… sabihing, “’Eto naman, nagpapatawa lang. Tayo na ulit ha!”

Pero para sa’n pa? Mukha namang naghihintay ka lang ng timing. Mabuti na ‘yung ganito. ‘Yung masasabi kong ako ang nakipaghiwalay. Para kahit papano, buo pa rin ‘yung pride at dignidad ko. Kahit makita ko man kayo sa sinehan, masasabi kong, “ah hiniwalayan ko, ‘yang gagong ‘yan”.

“Ok. Tnx. Bye.” Binaba ko na ang telepono. Iiyak pa kasi ako. Magmumura.

Nung sumuod na araw, nakikipagbalikan ka.

Ano ‘yun? Parang damit lang sa SM na pwede mong balikan? Sori pero meron akong no return policy.

Para mo akong sinampal ng chopping board nung umoo ka kaagad. Parang wala man lang hearing. May verdict na kaagad. Sige agad. Gusto ko rin namang tanungin mo ako, bakit? Pag-usapan natin. Para namang wala akong halaga dahil di ka umapela.

Kaya sori ka, magmamaganda ako. Sori ka, hinding-hindi mo na ako makukuha. Sabi nga ni ate Vi, “Kung hindi ka ba naman gago! Ginto na ang nasa harapan mo, basura pa ang pinili mo!”

Hindi ako nakikipagbalikan sa mga taong hindi nakikita ‘yung aking halaga. Hindi binibigyan pansin. Kaya masanay ka na, wala na talaga.

At dun ka na sa kaibigan mo. Tanung mo kung pwede kang samahan sa sinehan, ikaw naman ngayun ang broken hearted. O di ba, nangangamoy meant to be.

 

————

“Kung hindi ka ba naman gago! Ginto na ang nasa harapan mo, basura pa ang pinili mo!”

—Vilma Santos in Sinasamba Kita (1982)

Mema(sabi): Isang tagay para dun sa kaibigan kong swabe kung makipaghiwalay. I miss yah, Dyosa.