Image
8

Five Signs Na Mas Nagmamahal Ka

DSC_0972

Love is never equal and the heart is not always right. [Kasi nasa center of the chest? Charot].

Sabi nung isa kong kakilala, maghanap daw ng taong mas mahal ka kesa ikaw ‘yung mas nagmamahal. Sabi ko naman, di mo naman ‘yan agad malalaman. Hindi ‘yan parang palengke na pwede mong timbangin para malaman alin ang mas mabigat. Oo, ‘pag ang stat mo ay single and ready to mingle, ibig sabihin nun nasa “market” ka. Para kang isda o petsay na kinikilatis pero may karapatan ka ring mangkilatis. Poke dito, poke dyan hanggang mahanap mo ‘yung the one.

Never naman talaga na naging equal ang pag-ibig. Laging merong mas nagbibigay. Merong mas umiiyak, mas umaasa o mas masaya.

Pero sa lahat ng kadramahang ‘to, panu mo nga ba malalaman kung ikaw ang tanga… este, ang mas nagmamahal sa inyong dalawa.

1) Mas madali kang magpatawad.

Kung magpatawad ka parang kendi lang sa kanto. Bigay lang ng bigay. Sabi mo pa, okay lang busog na busog ka naman sa pride. Lagi mo na lang kinakain. Feeling mo kasi masarap.

2) Best in Memory ka at Best in Amnesia siya.

Sa lahat ng okasyon – birthdays, monthsaries, anniversaries – alam na alam mo kahit magpaquiz pa nang tulog. Alam na alam mo rin ‘yung araw ng unang sulyap, unang halik at unang out-of-town. Baka pati brand at kulay ng damit niya sa bawat araw na nakikita mo siya.

3) A++ for effort.

Three months in advance kung magplano ka ng couples ganap. Lahat ng ginagawa at binibili mo para sa kanya ay nagsusumigaw ng BONGGA! ‘Yung tipong hindi lang palakpakan, may kasamang luhod factor. Sabi nga ni Tito Boy, “Kaibigan, ikaw na!” Di bale na kung namax out ‘yung credit card mo o zero savings ka na, mabili mo lang ‘yung gusto niya. Kapag nagbilangan kayo ng regalo, landslide ang pagkapanalo mo.

4) Siya muna, bago ikaw.

Feeling mo isang malaking kasalanan ang maging selfish kaya puro na lang needs and wants niya. Sa relationship niyo, ikaw si Mother Theresa o si St. Francis kaya siya muna bago ang ‘yong sarili. Pero di naman niya kasalanan dahil desisyon mong sambahin pati ang dinadaanan niya. Hindi cute ‘pag pinapaikot mo na lang ‘yung mundo mo sa kanya. Minsan, celebrate ka ng “myself appreciation day”, ‘yung puro ikaw naman. Tip the scale.

5) Bodega Queen/King

‘Yung tickets sa unang sine, napkin sa unang kain at petals nung unang bouquet ay pinakatago-tago mo pa. Lahat na lang ng bagay ay ginagawa mong memento. Tapos ‘pag namimiss mo siya, parang tanga lang na nilalabas mo isa-isa at nagrereminisce with matching dutdut sa gilid ng ‘yung mata.

Hayan, ilan lang ‘yan sa listahan. Ayokong isama ‘yung mga punyetang ikaw ang unang nagtext o tumawag kasi pabebe na masyado ‘yung mga ganun. Masyadong importante ang communication sa isang relationship so kebs kung sinong nauna.

Sa totoo lang, una pa lang may mali na. Di ka naman umiibig nang may sukat o timbang. [hahaha ohmygush abelgush, padeep na ‘to] Umiibig ka nang walang limitasyon, walang kondisyon at walang hinihinging kapalit… Dapat. Pero lahat tayo feeling entitled kaya ang dami nating requirements and expectations. Ang dami-dami nating demands sa isa’t-isa kaya hayan ang bagsak, mag-isa ka. Eh, anu ngayun kung ikaw ang mas nagmamahal o nagmahal. Sa ganun eh.

Paalala lang, ‘wag mong hayaang maging hindi makatarunungan ‘yung inequality sa equation ng inyong pagmamahalan. Ang katangahan ay may hangganan. Kung mas may respeto siya kay Jollibee, please lang, magconcede ka na at kumain na lang ng burger.

—-

 

5

Ex ni Doding Daga

46273-gucci_ss_11_19

Kung may isa man akong pinagsisisihan, ‘yun yung naging tayo.

Sabi nga ni Kuya, “Pucha, di ko lubos maisip na naging kayo pala. Mukha siyang doding daga!”

Kaya sa susunod, kilalanin mo muna. Gaya ngayun, ang tawag sayo ay ex ni Doding Daga!” Dinagdagan pa niya ng sobrang lutong na, “Nakakadiri!”

Kung andito ka lang, siguradong kamao ang ulam mo. Ba’t naman hindi, niloko mo lang naman ako. Masyado yatang uso ang manggago, kaya pakiramdam mo may karapatan kang mangtarantado.

Ito pala yung tinatawag nilang intense. ‘Yung pakiramdam na gusto mong maglaslas, ‘di lang isang beses. Nakakagigil. Nakakainis.

Di ka naman gwapo. Ako nga raw ang agrabyado. Kaya di ko lubos maisip san ka humugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha para manggago.

Minsan, ayaw ko pang aminin na wala na talaga. Pero, sa tuwing naiisip ko na nagdala ka ng iba sa’king kama, gusto kong masuka. ‘Yung bottomless ha.

Idagdag mo pa na nanlalagkit na rubber ang bumati sa akin ng magandang umaga. Pwedeng-pwede sa Maala-ala mo kaya, titled, “Condom”.

Siguro ang naging problema, kung may sukatan ng pag-ibig, ‘yung akin, punong-puno ‘yung siyam na planeta, ‘yung sa’yo, pwede na ‘yung sampung tasa. Mas mahal raw kita. Ng isanlibong beses.

Kaya hayan tuloy. Ako’y tinapak-tapakan. Sinaktan. Niloko. Ginago.

Kelangan ko na magising sa katotohanang binubulag lang ako ng aking ilusyon na tao ka. Sana pala nilagyan ko ng acetone ‘yung kape mo. O kaya’y ng sabong panlaba ‘yung pagkain mo. Masarap! Subukan mo! Bubula ang bibig mo. Pero baka di ka tablan, ni wala ka ngang puso’t kaluluwa.

Sana makarma ka. Sana sa susunod ikaw naman ang saktan. Ikaw naman ang gaguhin. Para maramdaman mo na sagad ang sakit. Na para kang sinaksak ng paulit-ulit.

Kahit anung gawin ko, nakakabit na nga ang pangalan ko bilang ex mo- bilang ex ni doding daga. Pero sa susunod, sisiguraduhin ko na worth it siya. ‘Yung pwede kong ipagyabang at ipagsigawang, “Ex ko yan!”

Di tulad ngayun. Nakakahiya. Nakakasuka.

0

Buntis ako, Green

Pirelli1_620_1628473a

Biyernes. Tradisyon na ng barkada ‘yung tumambay sa inuman. Ginagawa naming isang malaking playground habang naglalaro ng mga kung anu-ano.

“Ibalik natin ‘yung pelikula dare! Maraming pogi!”

Kelangang masabi mo ‘yung linya sa isang pelikula habang ginagawa ‘yung utos ng barkadaAt nagsimula ngang umikot ang botelya kasabay ng ‘di ko mabilang na shots ng tequila.

Naka-polong light green ang aking biktima. Mukha pa naman s’yang maamong tupa. Mukha ring masarap, pang-ulam ‘pag nangangati ka.

Paglapit ko, bigla akong sumigaw ng,

“Buntis ako, Green! Kelangan mo ‘tong panagutan! Lahat ng ibinibigay ko sa pamilya ko, ibinibigay ko rin sa iyo! Lahat! Lahat! Lahat!”

Mahihiya si Claudine Barreto sa pelikulang Milan sa panggagaya ko. Mahihiya siya sa galing kong umarte. Pang-Famas! Best actress!

‘Yung mukha niya parang sinabugan ng bomba. Gulat na gulat. Tumawa lang ako at sa mahinang boses,

“Sori. Nagkatuwaan lang. Dare.”

 

Bigla siyang tumayo.

“Sori?! Hindi ako ang ama niyan! Alam nating pareho na niloko mo ako! Dun ka maghabol!” Mahihiya ang ambulansiya sa lakas ng boses niya.

Ako naman ang hinagisan ng bomba! Natalbugan ng akting. Best actor siya!

“Hayan, quits na tayo.” Saka siya ngumisi na parang walang nangyari.

Tumaas ang dugo ko. Pulang-pula ang mukha ko. Understated ang salitang hiyang-hiya ako. Nung oras na ‘yun, gusto ko lang namang pumatay ng tao.

Mukha kang sayote sa damit mo!” Wala akong ibang nasabi.

“Mukha kang bulok na kamatis sa tindi ng lipstik mo.” Mahinahon n’yang sagot.

Putangina! Bading ba ‘to! Pumapatol sa babae!

Nung sumunod na biyernes, s’ya naman ang lumapit.

“Hi, sori sa nangyari. Alvin, hindi Green.”

Mula noon, naging bahagi na siya ng ritwal naming inuman. Araw-araw ko na rin siyang kasama sa lahat ng lakaran.

Hanggang isang araw,

“Buntis ako, Alvin.” May nginig. May kaba.

Napatingin s’ya. Nagtatanung ang mga mata.

“Pag lalake, gusto ko Green ang second name niya, ha.”

Bigla niya akong niyakap sabay dugtong ng, “Bawal paglihian ang sayote!”

Sobra akong napahalakhak. Sobrang dinamdam niya ‘yung biro kong sayote.

Mag-dadalawang buwan na kaming kasal. Magdadalawang taon na ring nangyari. Paglabas ni Green, ikwekwento ko sa kanya ang talambuhay ng pangalan niya. At kung paano ko nakilala ang Daddy niya.

————–

“Lahat ng ibinibigay ko sa pamilya ko, ibinibigay ko rin sa iyo! Lahat! Lahat! Lahat! Lahat lahat lahat!”

– CLAUDINE BARRETO in MILAN

——

Mema(sabi): Minsan, naglaro kami ng dare sa flat. Inisip ko nung una ang childish pero sobrang na-enjoy naman namin.

French Girl (FG): (katok sa pintuan) “Hi, I have something to tell you. I am leaving tomorrow so I’d like to use this opportunity to say… I love you.”

(Nakatago kami sa laundry room habang nagcoconfess siya sa may hallway!)

German Guy (GG): Uhm… Okay.

HAHAHAHA Sobrang tawang-tawa kami after nun! Game naman si FG kahit first time daw niyang mareject. Nagred lipstick pa siya! For the win, as always. Sa nagtatanung, hindi naging sila.

0

Ang Pato, Swan at Baboy

ysl-seventies-shoot6

“Sori, di ka imbitado. Hindi imbitado ang mga pato sa party ng mga swan.” Sinabayan ko ng flip ng buhok at walk out. Ganyan ako kasama. Ganyan ako mang-alipusta. Sinimulan niyo, tatapusin ko.

“Ba’t di mo siya inimbitahan?”

“Ayoko sa pato. Mahilig sa tira-tira ng iba.”

 

Masyado kong itinanim sa utak ko na masarap maghiganti sa taong tulad mo. Hindi ko ‘to ginusto, pero andito na tayo.

Kayo nga dyan, ni hindi niyo ako inimbitahan nung magdesisyon kayong magpafiesta. Makalat. Makulay. Maingay. Ang aking mahal na bestfriend at mahal na boyfriend. Nasa iisang kama. Kung inimbitahan nyo lang ako, eh di sana, baka mas masaya pa. Wala sanang ganito. Wala sanang nasaktan at nasasaktan.

Masarap ba siya? Ni hindi ko nga natikman, tinikman mo na. Baka dahil masyado akong pakipot pa, kaya naghanap naman ng iba. Sabi nga nila, kapitbahay first. Nagkataong ikaw ang pinakamalapit na pwedeng bumukaka. O siya, sayo na siya. Kahit magpaparty pa kayo magdamagan. Araw-araw. Gabi-gabi.

Sinabihan pala ako, sobra na daw ang aking pang-aalipusta. Ni hindi nga nila alam na pagkatao ko ang inalipusta. Kung ipagkalat ko kaya? Wag na. Baka koronahan ka pa na reyna ng mga puta. Baka masyado ka pang matuwa, ikamatay mo pa. O di ba, ang bait ko pa!

Kaarawan mo na sa makalawa. Di ako makakadalo pero meron akong regalo. Labimpitong pato. Ka-edad mo. Kaugali mo.

Pero hindi dun nagtatapos ang regalo ko. Bibigyan pa kita ng isang kasamang baboy. Dahil ang pato ay nababagay sa baboy. Gawa kaya kayo ng munting pagsasalo. At tatawagin natin ‘tong “Hayuuuup kayo!”

2

Kaibigan. Ka-ibigan.

Kaibigan? Ano bang kahalugan ng salitang kaibigan?

Minsan tinanung kita, sino siya. Sabi mo, “Kaibigan lang”.

Minsan tinanung ulit kita, sabi mo. “Kaibigan. Napadaan lang.”

Minsan tinanung ulit kita, sabi mo. “Sinamahan ko lang sa sinehan bilang kaibigan.” Sabi mo pa, “Broken hearted.”

Sobrang bait mo namang “kaibigan”! Award! Friend of the Century!

Hindi ako tanga! Minsan nagtatanga-tangahan lang. Akala ko kasi harmless naman. Akala ko kasi wala naman. Pero minsan ang akala nating wala, meron pala!

“Alam mo bang ni isang beses, di pa tayo nanood sa sinehan. ‘Yung tayung dalawa lang.” Oo, tunog-bitter.

“Ha? Di pa ba?” Pang-award ka na naman! Maang-maangan school of acting. Slow claps. Best actor.

“Cool off muna tayo.” Pang-award din! Swabe lang! ‘Yung parang bumibili lang ng kendi sa tabi-tabi. Aba, hindi ako papahuli!

“Sige, kung ‘yun ang gusto mo.” Aray! Ano raw? Teka lang, ganun na lang basta basta? Akala ko aktingan lang? Patarayan ng linya.

Gusto ko tuloy kunin ‘yung timba, dahil sigurado akong babaha ng luha. Gusto kong itabi lahat ng babasagin, dahil gusto kong mambasag ng mukha. Gusto ko ring… sabihing, “’Eto naman, nagpapatawa lang. Tayo na ulit ha!”

Pero para sa’n pa? Mukha namang naghihintay ka lang ng timing. Mabuti na ‘yung ganito. ‘Yung masasabi kong ako ang nakipaghiwalay. Para kahit papano, buo pa rin ‘yung pride at dignidad ko. Kahit makita ko man kayo sa sinehan, masasabi kong, “ah hiniwalayan ko, ‘yang gagong ‘yan”.

“Ok. Tnx. Bye.” Binaba ko na ang telepono. Iiyak pa kasi ako. Magmumura.

Nung sumuod na araw, nakikipagbalikan ka.

Ano ‘yun? Parang damit lang sa SM na pwede mong balikan? Sori pero meron akong no return policy.

Para mo akong sinampal ng chopping board nung umoo ka kaagad. Parang wala man lang hearing. May verdict na kaagad. Sige agad. Gusto ko rin namang tanungin mo ako, bakit? Pag-usapan natin. Para namang wala akong halaga dahil di ka umapela.

Kaya sori ka, magmamaganda ako. Sori ka, hinding-hindi mo na ako makukuha. Sabi nga ni ate Vi, “Kung hindi ka ba naman gago! Ginto na ang nasa harapan mo, basura pa ang pinili mo!”

Hindi ako nakikipagbalikan sa mga taong hindi nakikita ‘yung aking halaga. Hindi binibigyan pansin. Kaya masanay ka na, wala na talaga.

At dun ka na sa kaibigan mo. Tanung mo kung pwede kang samahan sa sinehan, ikaw naman ngayun ang broken hearted. O di ba, nangangamoy meant to be.

 

————

“Kung hindi ka ba naman gago! Ginto na ang nasa harapan mo, basura pa ang pinili mo!”

—Vilma Santos in Sinasamba Kita (1982)

Mema(sabi): Isang tagay para dun sa kaibigan kong swabe kung makipaghiwalay. I miss yah, Dyosa.

0

Torpeng Fishbol

10424519_320216091464332_237774237_n

“Manloloko!” Pak.

Sa lakas ng sampal ko, baka naghiwalay na ang bibig at tenga mo. Sa lakas din ng boses ko, tumigil ang mundo.

“Ate, ‘di ‘yan! ‘Di ‘yan ang boyfriend ko!”

Tinignan kita. Mukhang galit na galit ka. Kulay mansanas ang ‘yung mukha.

“Uhm… Sori. Peace!”

Mukha ka pa namang mayaman. Mukhang may class. Pwedeng-pwede mo akong ipafiring squad.

“Pagbilang ko ng tatlo, takbo… Isa, dalawa, tatlo, takbo!”

Akala ko tuluyan na kitang maiiwasan pero maliit lang pala ang mundo. Nung humingi ako ng pasensiya, humingi ka ng libre. At dahil ikaw ay mayaman, dinala kita sa fishbolan. Aba ‘wag kang choosy. ‘Yun lang ang kaya ng budget. Tignan natin kung ‘di sasakit ang tyan mong mas malinis pa yata kesa sa lababo namin.

Kinabukasan nga, nagtext kang may diarrhea. Tawa ako ng tawa. ‘Yung tipong mamamatay na ako sa kakatawa. At humirit ka pa ng isa! Kakaiba rin ang trip mo.

“Alam mo para kang tanga. ‘Di ‘yan kaya ng sikmura mo pero kain ka pa rin ng kain.”

“Iba kasi siya. Ibang-iba. A breath of fresh air.” Nakatitig ka sa mata ko. Bigla akong naguluhan, bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nakikimarathon, nagpupumilit makarating sa finish line.

Anong gayuma ang nilagay sa fishbol ni kuya?

‘Yun nga rin siguro ang dahilan ba’t inaraw-araw na nating dalawa.

“Ask me why I love eating fishballs.”

“Ayoko.” Ang sarap mo talagang barahin.

“Ayaw mo bang marinig na… It’s because of you?”

“Alam ko. ‘Di naman ako manhid. Hinihintay na nga lang kitang mag-I love you.”

Gulat na gulat ka. Kaya bigla akong humalakhak. ‘Yung tipong lalabas na ‘yung lungs ko sa kakatawa.

Tinusok mo na lang ‘yung tatlong fishbol at ngumiti.

“When it comes to you, sobrang torpe ko. Siguro dahil iba ka sa lahat. Maybe, that’s why I fall. Three fishballs for three words – I love you.” Sabay abot ng fishbol.

Nosebleed man ‘yun ingles mo, kinilig ako! ‘Yung tipong maiihi na ako. Ba’t nakakalasing pala ang masabihan ng I love you? Para akong nakalutang. Nakatitig lang. Nakatulala.

“So, anong sagot mo?” Saka ako natauhan.

“Ano ako, easy to get? Ligawan mo muna ako! Baka sabihin, nakuha mo ako sa tatlong fishbol! Cheap, ha!”

 

Biglang ikaw naman ang humalakhak.

“You are really a breath of fresh air.”

Nanligaw ka nga pero mahihiya ang mga Intsik sa istilo mo. Umaga, gabi, araw-araw.

Sa tatlong fishbol mo ako sinimulang ligawan, kaya nung sinagot kita, iniba ko naman. Tatlong balut. Tatlong isaw. Tatlong kwek kwek. I love you. I love you. I love you.

0

Trophy boyfriend

Tunaw nayung ice cream mo. ’Wag ka naman masyadong tumitig. Baka ako naman ang matunaw.” Sabi mo nang pabiro.

Baka natunaw dahil sobrang init ng mukha ko…

Pakshet! Nagblush ako?!

Pero alam mo ba hanggang ngayun ‘di pa rin ako makapaniwala.

Parang isang basong tubig lang ang hiningi ko pero isang drum ang natanggap ko.

Isang kandila lang ang kailangan ko pero lampara ang nakita ko.

Pwede na ako sa pandesal pero sino ba naman ang aayaw sa mahal na tinapay?

Sa tuwing nakikita kita, para akong nanalo sa lotto. Paulit-ulit. Everyday jackpot.

Naiisip ko nga sobrang bait ko ba? Kasi ikaw ang binigay niya. Pogi. Mayaman. At may abs. Kaya gustong-gusto kong nagmamalling kasi parang may parada kapag kasama kita. Aba, irarampa talaga kita! Mainggit na ‘yung pwedeng mainggit. Basta ako, akin ka.

Naalala ko pa nung una kitang nakita. Alam mo bang sinadya kong banggain ka? Para-paraan din di ba? Sabi kasi nila, opportunity knocks only once. ‘Pag nakita mo na, sunggaban mo na, baka malipasan ka.

Ngumiti ka lang at sabi mo pa, Hi”. Kasabay ng pagkahigh ng puso ko. Hulog na hulog. Tagos na tagos.

Sana lang ‘wag na ‘wag kang mauuntog. ‘Wag na ‘wag. Nasanay na kasi akong kasama ka. Nasanay na akong minamahal ka. Magmahalan lang tayo, ha? Walang sakitan. Walang iwanan. Pramis? Pramis ko rin yan!

0

Push mo ‘yan, Cookie

Dub dub… dub dub…

Dumaan ka lang pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Jeffff! Hiiiii!” Tinawag kita. Ngumiti. Kumaway na parang nanalo sa isang beauty pageant.

Bigla kang tumingin sa akin. Tumitig. ‘Yung intense. ‘Yung parang gusto mo akong kainin ng buhay. Magsabi ka lang, anumang oras, sa’nmang lugar! Gaaaammee.

Kaya ngumiti pa ako lalo. Tinodo ko na. Kahit ang sakit sa ngala-ngala. Sana nadala ka. Sana napantayan ko ‘yung ngiti mong pang-ulam sa umaga.

Tumabi ka nga!” Ba’t ba ang tamis ng ‘yung boses? Parang araw-araw lumalamon ka ng minatamis.

 

Ganito lagi ang ating eksena. Lagi kitang inaabangan para pagdaan mo, andun na ako. Sabi ko naman sa’yo para akong anino mo, paglabas mo, makikita mo.

 

Naaalala mo ba nung unang beses mo akong kinausap? Sabi mo,

“Ninja ka ba!?” Yiiiiii. Ikaw ha. Pumipick-up line!

Bakit? Kasi NINJAn lang ako sa puso mo?”

“Hindi, gago! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot!

 

Nung nakaraang Araw ng mga Puso, nag-iwan ka ng isang dosenang pulang rosas at isang cute na cute na teddy bear. Ang nakalagay, “To my one and only.”

Aba, sino ba ‘yun?!

Malamang ako! Sympre, kinuha ko! Sabay instagram at post sa Facebook. Tinag pa nga kita.

Nampuchaaaaaaaaaaa!” Unang comment mo. Para kang mauubusan ng letrang a. Umamin ka, kinikilig ka noh?

Hindi para sa’yo yan! Ibalik mo! Kung hindi irereport kitang magnanakaw!” Pangalawang comment mo.

Teka lang, ikaw kaya ang magnanakaw! Ninakaw mo ang puso ko!

 

Nung isang araw naman, bumisita ako sa bahay niyo. Hinabol mo pa ako at pinakilala mo lang naman sa Mama mo. Hihi.

“Ma, she’s baliw!”

‘Yun nga lang mali yata ‘yung nasabi mong pangalan. Sino si Baliw? Cookie kaya ako! Sige, pwede na muna ‘yan. Malapit na ang B sa C. Isang kembot lang.

Kaya nung sumunod na araw, sinigurado ko na kilala mo ako!

Sinabihan kita ng, “I love you!”

Ang sabi mo, Coookieee! Coookiengina mo!”. Gusto ko tuloy magpaparty! Achievement! Tandang-tanda mo ang pangalan ko.

 

Hayan, tapos na ‘yung huli mong klase. Dadaan ka na naman. Ikaw talaga, alam na alam mong andito lang ako. Daan ka naman ng daan. Stalker yata kita, eh!

Nakita na kita! May kasama kang pulis. Binulungan mo siya sabay turo sa’kin. Pinag-uusapan niyo ba ako? Ang sweeeeet! Haba ng hair!

“Miss, may kaso ka, trespassing.” Tumingin naman ako sa’yo. Ikaw kaya ang trespassing. Minu-minuto, lagi ka na lang pumapasok sa puso at isip ko.

Bakasyon ka muna sa kulungan.” Sabi pa nung mamang pulis. Ang dinig ko pa, bibisitahin mo raw ako. May court hearing sa susunod na linggo. Bigla akong na-excite! Dapat magandang-maganda ako. Okay lang yan, nakabakasyon naman ako. Walang stress, walang pressure.

Ngumiti ako, sabay sabi ng,

“See you! ‘Wag mo akong masyadong mamimiss ha!”

————-

Minsan masarap daw maging baliw kasi everything is a bliss. Parang ang mundo ay isang malaking candy store. Makulay. Masaya.

This is not meant to ridicule anyone. But, just a funny take on things. We actually have to learn a lesson here, life is better when we see things positively. It’s a matter of perspective. Happiness comes from within. *wink*

2

Langka (Pick-up Line)

“Red horse ka ba?”

Bakit?”

Kasi ang lakas ng tama kodito.”

Eeeeeee. Hayan ka na naman, eh. Ang landi-landi. Sige ka, baka masobrahan sa kilig ang puso ko.

Ganyan ka naman lagi. May baong pick-up line. Ako naman, todo kinikilig at humahagikgik. Bonus pa ‘yung paghampas-hampas ko ng isa, dalawa o tatlong beses.

Ganyan nga. Ganyan tayo maglandian.

 

Bakit ba ako kinikilig sa’yo? Kapag iba ang pumick-up line, sigurado akong ang korni korni ng dating. Pero iba ka. Siguro dahil pogi ka at masarap kasama. Ganun naman ang mga jokes, eh. Depende ‘yan sa nagsabi.

Oi, F.Y.I. ha!” Pahabol mo bago ka umalis.

“Ha? Ano yun?” Nagtataka kong tanung.

“Forever, you and I.” Sabay kindat at flying kiss.

 

Ang haba-haba na talaga ng buhok ko!

“Potassium.” Sabat ng chemistry student na kaibigan mo. Napatitig ako sa kanya. Sabi ko na nga ba, ‘pag iba ang nagjoke, sobrang waley. Ako lang ba talaga o sobrang korni ng potassium bilang ang simbol ay K? Naku, K for Korni ha.

 

Nung sumunod na araw, ako naman ang may baon.

Kelan mo ba ako sasagutin?” Patweetums mong tanung.

“Ewan ko ba sa’yo para ka kasing taxi.” Mas patweetums kong sagot.

“Ha? Di naman ako madugas ha!”

Habang tumatagal, napapamahal ka na sa’kin!”

 

Sa pick-up line mo ako niligawan, dun din kita sinagot. Dun nagsimula ang langka nating pagmamahalan. Langka-tulad. Langka-tapusan.

‘Yun ang akala ko… dahil naglipana pala ang mga babaeng Maja… mahaharot at mahahadera.

Sa tuwing nakikita kita, naiisip ko pa rin naman ang langka. Langka-dating-dating. Langka-kwenta-kwenta.