2

Friendzone, Uto-uto at Oportunista

Sabi ni Papa Ramon B, “Friend zone is the new basted”. Parang easy way out para wag ka na paasahin, para icrush lahat ng fantasies mo. Parang consolation sa naghihikahos na lablayf mo. Pero ang basted ay basted pa rin. ‘Wag magtago sa likod ng friend zone. “Let’s just be friends?” Ahahahahahha ‘Nyeta niya seventy times over.

Huwag na kasi ipilit ang hindi dapat. Alamin mo ang boundaries at roads ng friendzone para pag inattempt mong kumawala, alam mo paano bumalik. Marami kasing di na bumabalik. Maraming mas gusto na lang na ilublub ang kanilang mga sarili sa self-pity at rejection. Mga ayaw mag-move on. Oi, nahurt.

Eh kung di ka ba naman kasi uto-uto. Kinindatan ka lang bumigay ka na. Sinabihang maganda or gwapo, nag-assume na ng jowa in the making. Tanga lang din noh? Lagi namang uso ang maging tanga pero walang sukatan gaano ka nagpakatanga. Paaasahin ka hanggang wala na silang choice kundi gamitin ang friend zone card. Tama na! Paki-pulot ‘yung nalaglag mong self-esteem at i-unfreeze ‘yung nakabakasyon mong utak. Gapang pamore palabas ng mundo mong punong-puno ng ilusyon.

Tandaan, maraming tao ang oportunista. Ayaw ka nilang harapang bastedin kasi sayang naman ‘yung pagiging galante mo – parang nakajackpot sila sa dami ng freebies kasama na run ‘yung pagiging julalay mo sa kanila. May masters sa pambobola kaya kinikiliti ka nang bonggang-bongga. Epektib! Gamitan lang ang peg. One-sided lablayf! Labas tayo minsan, ipapakilala kita kay karma. Para tubuan ka ng malasakit sa kapwa.

Teka, bakit ang alat naman yata ng araw ko. Left-over pa siguro nung kinain kong salted eggs. O siya, bibili na lang ako ng kamias. ‘Yung sobrang asim para sa sobrang alat kong feelings.

*Para kay Lebrun at Marina.

 

Advertisements
2

Kaibigan. Ka-ibigan.

Kaibigan? Ano bang kahalugan ng salitang kaibigan?

Minsan tinanung kita, sino siya. Sabi mo, “Kaibigan lang”.

Minsan tinanung ulit kita, sabi mo. “Kaibigan. Napadaan lang.”

Minsan tinanung ulit kita, sabi mo. “Sinamahan ko lang sa sinehan bilang kaibigan.” Sabi mo pa, “Broken hearted.”

Sobrang bait mo namang “kaibigan”! Award! Friend of the Century!

Hindi ako tanga! Minsan nagtatanga-tangahan lang. Akala ko kasi harmless naman. Akala ko kasi wala naman. Pero minsan ang akala nating wala, meron pala!

“Alam mo bang ni isang beses, di pa tayo nanood sa sinehan. ‘Yung tayung dalawa lang.” Oo, tunog-bitter.

“Ha? Di pa ba?” Pang-award ka na naman! Maang-maangan school of acting. Slow claps. Best actor.

“Cool off muna tayo.” Pang-award din! Swabe lang! ‘Yung parang bumibili lang ng kendi sa tabi-tabi. Aba, hindi ako papahuli!

“Sige, kung ‘yun ang gusto mo.” Aray! Ano raw? Teka lang, ganun na lang basta basta? Akala ko aktingan lang? Patarayan ng linya.

Gusto ko tuloy kunin ‘yung timba, dahil sigurado akong babaha ng luha. Gusto kong itabi lahat ng babasagin, dahil gusto kong mambasag ng mukha. Gusto ko ring… sabihing, “’Eto naman, nagpapatawa lang. Tayo na ulit ha!”

Pero para sa’n pa? Mukha namang naghihintay ka lang ng timing. Mabuti na ‘yung ganito. ‘Yung masasabi kong ako ang nakipaghiwalay. Para kahit papano, buo pa rin ‘yung pride at dignidad ko. Kahit makita ko man kayo sa sinehan, masasabi kong, “ah hiniwalayan ko, ‘yang gagong ‘yan”.

“Ok. Tnx. Bye.” Binaba ko na ang telepono. Iiyak pa kasi ako. Magmumura.

Nung sumuod na araw, nakikipagbalikan ka.

Ano ‘yun? Parang damit lang sa SM na pwede mong balikan? Sori pero meron akong no return policy.

Para mo akong sinampal ng chopping board nung umoo ka kaagad. Parang wala man lang hearing. May verdict na kaagad. Sige agad. Gusto ko rin namang tanungin mo ako, bakit? Pag-usapan natin. Para namang wala akong halaga dahil di ka umapela.

Kaya sori ka, magmamaganda ako. Sori ka, hinding-hindi mo na ako makukuha. Sabi nga ni ate Vi, “Kung hindi ka ba naman gago! Ginto na ang nasa harapan mo, basura pa ang pinili mo!”

Hindi ako nakikipagbalikan sa mga taong hindi nakikita ‘yung aking halaga. Hindi binibigyan pansin. Kaya masanay ka na, wala na talaga.

At dun ka na sa kaibigan mo. Tanung mo kung pwede kang samahan sa sinehan, ikaw naman ngayun ang broken hearted. O di ba, nangangamoy meant to be.

 

————

“Kung hindi ka ba naman gago! Ginto na ang nasa harapan mo, basura pa ang pinili mo!”

—Vilma Santos in Sinasamba Kita (1982)

Mema(sabi): Isang tagay para dun sa kaibigan kong swabe kung makipaghiwalay. I miss yah, Dyosa.

0

Nang Isang Gabing Ako’y Naulanan

Panauhing manunulat (guest writer): Barbie Marcelino

Unedited/Original contribution

umbrellacolors,editorial,fashion,magazine,photography,women-9c41ebf69f942df7704ef3415265d7c9_h

Gabi na pero nagdecide akong lumabas. Sabi kasi ng friend ko, “do whatever makes you sleep at night”. At hindi ako makakatulog kung hindi ko alam na bumaba na ang weight ko from weekend calorie splurge. Haha, Oo. Ganun ako ka “weight conscious”.

So lumabas ako. ‘Pag open ko pa lang ng door ng bahay ko, umihip na nang malakas ‘yung hangin. Nagbabadya nang uulan nang malakas. Pero tumuloy pa rin ako. Medyo nagmamadali na kasi in 10 minutes magsasara na ‘yung grocery store kung sa’n may weighing scale na feeling ko accurate — at ever since, iyon ang ginagamit ko para comparable ang pagmonitor ko sa weight ko.

Pagkalabas ko ng compound, lalong lumakas ang ihip ng hangin. Nang malapit na ko sa gas station, nararamdaman ko na ‘yung ambon. Lalo akong nagmadali. Lakad-takbo papunta sa grocery store. Umabot ako. Bukas pa sila. Nakapag-weigh ako at in fairness naman, kalahating kilo nabawas ko from the night before. Effect ng diet and exercise sabi ko pa sa sarili ko.

Then bumili ako ng food for breakfast. Nagbayad sa cashier at ready na kong umuwi nang makita kong ayun na nga. Bumuhos na ang ulan.

Thought bubble: susugod ba ‘ko sa ulan o magpapatila muna? Gabi na at magsasara na ‘yung grocery store. Takot ako sa dilim. On the other hand, malaki ang probability na magkasakit ako ‘pag naulanan ako. Isa pa, gusto ko nang umuwi at matulog. Late na. Wala naman akong dalang gadget na may risk mabasa. Ako lang naman ang mababasa. Kung magkakasakit man ako, lagnat lang naman or sipon. Nagvivitamin C naman ako so baka kaya naman ng immune system ko. Malapit lang naman ang bahay ko. Mga 300 meters lang yata from sa kinatatayuan ko.

I decided. To hell with the rain. Sige lalakad ako sa ulan.

And I pondered. Ang pagsugod sa ulan, parang pag-ibig lang ‘yan. Willing ka ba mabasa at i-risk na magkasakit ka basta makarating ka lang nang mas mabilis sa destinasyon mo? Or maghihintay ka na lang na tumila muna ‘yung ulan? For sure naman na titila ‘yun hindi mo lang alam kung kailan at ga’no ka katagal maghihintay.

Habang naglalakad sa ulan, naalala ko, sana kasi ‘nung naramdaman ko pa lang na paulan na, bumalik na ‘ko sa bahay para kumuha ng payong. Hindi ‘yung tumuloy pa rin ako nang walang pakundangan. Madalas kasi na-anticipate naman na natin ‘yung mga pwedeng mangyari pero sige pa rin tayo sa pagsugod. Go lang daw kasi nang go. Hindi kasi tayo nag-iingat. Ayan tuloy. Nababasa tayo. Nauulanan.

Nababasa na ‘yung mukha ko. Naisip ko kanina lang iba ang dahilan ng pagkabasa ng mukha ko. At pumasok sa isip ko, bakit nga ba late ako nakapunta sa grocery store? Ah, kasi nakatulog ako earlier that night. Bakit ako nakatulog? Kasi umaga na ko nakatulog the night before. Bakit ako napuyat the other night? Kakaisip at kakaiyak dahil sa kanya. So ‘yun – siya. Basa ng luha ang mukha ko kanina dahil sa kanya. Siya ang dahilan bakit ako nauulanan ngayon, kung bakit ako nagrisk sumugod sa ulan at kung bakit basang-basa na ako – literally.

Malapit na sa bahay. Malakas pa rin ang ulan. Hindi na ‘ko nagmamadali. Para saan pa? Basang-basa na rin naman ako. Kailangan ko nang i-diretso sa pagligo para hindi sumakit ang ulo ko. And nakarating ako sa bahay. Nakapagshower na ko nang naramdaman kong tumigil or humina na ‘yung ulan.

Iniisip ko, kung naghintay lang pala kasi ako nang ilang minuto, hindi sana ako nabasa. Pero nangyari na eh. Sumugod na ‘ko sa ulan, nabasa, nakaligo na ako at nakaka-refresh pa nga ng feeling na parang ang sarap matulog. Pwede akong magsisi at isipin na sana hinintay ko na lang tumila ‘yung ulan. Pero habang inaayos ko at hinahanda na ang kama ko sa pagtulog, habang pinapatuto ko ‘yung buhok ko, lalo ‘kong naiisip na buti nagpaulan ako, mas masarap na makatulog ngayon. May something positive pa rin sa ginawa ko haha or jinajustify ko lang?

Whatever. Basta ang alam ko, willing ako sugurin kahit anong ulan or bagyo pa ‘yan just to do whatever makes me sleep at night. Next time, lesson learned, magdala kasi ng payong. Para kahit umulan man, hindi ka na mababasa at makakarating ka sa bahay mo nang mahinusay.

At ngayon, tuyo na ang hair ko, ready na ko. Ready na ko matulog. Good night world!

————

Mema(sabi): Nakatanggap ako ng kontribusyon mula sa isang Barbie. Kakahiya naman pag di ko inilabas. Kaya hayan! 🙂

0

Nung Inabot ng Dyosa ang Tao

nung

“Kung nabibili lang ang taste, reregaluhan kita ng sandamakmak.”

Ganito kasiyan. Parang mas pinili moyung tuyo sa adobo, pandesal sa hamburger at pansit sa spaghetti.”

Masyado mo namang idol si Andrew E. Naghanap ka nga ng pangit!’

Kung makalait ang mga kaibigan ko, wagas! Mga feeling-dyosa na akala mo walang kapintas-pintas, ang peperfect.

Kahapon rin, nakasalubong ko ‘yung kapitbahay kong tsismosa. Ang sabi niya,

Oi, okay, yung jowa mo ha!” Hallelujah! Buti naman, meron akong kakampi.

“Di ka matatakot na may babakod!” Bwiset. Nakakainis.

Andami-daming pwedeng pag-usapang problema sa Pilipinas, pero kami pa talaga ang isyu. Ika-uunlad ba ‘to ng Pilipinas? O ng mga buhay-buhay nila?

Ano daw ba ang nagustuhan ko sa’yo, di ka na nga gwapo, ‘di rin naman mayaman.

Maraming gwapo, pero gago. Maraming mayaman pero sira-ulo.

Sa bawat pintas na ibato sa akin, isandaang rason ang kaya kong ibigay. Sa wala eh, tumagos.

Hindi ba dapat maging inspirasyon siya na ‘di porket ‘di pogi ay walang karapatang umakyat ng kabilang bakod? Na ang bituin ay naaabot? Na pwedeng bumaba ang dyosa sa lupa?

Di ba nga sa pag-ibig, wala namang limitasyon, walang rules na kelangang sundin. Basta pag tumibok, ‘yun na. Walang tanu-tanung. Mahal ko siya. Mahal niya ako. Ganun lang kasimple.

Life is not perfect. Love is not perfect. But for me, we make each other perfect. Hayan, napa-ingles tuloy ako. Matext ko nga ‘yan sa kanya.

——-

Point of view ‘to nung babae. Kung gusto niyo malaman ‘yung pinagdaan naman nung lalaki, ito – Nung inabot ng Tao and Dyosa.

Mema(sabi): ‘Di lang ‘yung pangit ang kinukutya! Dumadaan din ‘yung magandang gf sa mga panghuhusga!