0

Bakit Ang Dami-Dami Nating Pinaglalaban Sa Buhay?

DSC_0488

Bumili ako ng kape, latte, pero ang binigay ni ate, mocha. Inis na inis kong pinagsabihan si ate na latte po. Ayokong makiuso kay Mocha Uson, pwede ba. Sa dinami-dami ng injustices sa mundo, ‘wag na natin isama ang kape.

Nung pinaghintay ako ng 20 minutes, iritang-irita ako dahil nagmukha akong halaman na hinahalik-halikan ng mga pakshet na lamok. Alam mo ‘yun. Choice ko namang maghintay pero masyado akong affected.

Sabi niya, “Ayokong masabihang mayabang.” Sabi ko, “Mayabang ka naman talaga”, with matching deep conviction sa side ko. ‘Yung tipong kahit umabot kami sa supreme court, ipaglalaban ko.

Sabi niya, “Kontodo make-up siya!” Sabi ko, “Wow. Pati make up, kasama na sa dislike equation!” Sige, ipush lang natin ang I-hate-list sa taong ‘yan baka magustuhan tayo ng iba. I-todo na natin ‘yung panlalait hanggang sa kulay ng underwear niya. Sabi nga, maliit man o malaki, kasalanan pa rin ‘yan so imaximize mo na. Nakulangan ka pa.

Tinanung ako, “Ba’t ang busy busy mo?” Nireplyan ko, “Try mo kaya magwork for once.” Dinamdam nya. Sige, ipaglaban ang feelings ‘pag tayo ay naaapi! Wala namang pumipigil sa atin ‘pag tayo ay nasaktan. Feelings mo ‘yan. Entitled ka.

Pinameet the parents ng kapatid ko ‘yung Bikolano niyang jowa. May mga nagmessage sa FB na asan daw ‘yung akin, kelan daw ako, ba’t daw nauna ‘yung mas bata. Sana maramdaman n’yo ‘yung bitterness sa seenzone ko. Kakaloka kayo. Mga feeling close. Minessage ko na lang si Mama, pwede ba pakisabi sa mga tao dyan ‘wag akong imessage ng garbage. Oh di ba, pati ba naman ‘to pinalaki ko pa.

Nung Sabado, sinita ako nung guard sa di ko maintindihang kadahilanan kaya binigay ko na lang ‘yung dala kong popcorn. Stock ko pa naman ‘yung para sa SEABA Thailand versus Philippines basketball. Hayun, 10% less sa intensity ng cheer ko. Desisyon ko namang ibigay so ba’t di ko malet go let go with matching computation ng loss?

Nag-email si Golf ng “Dear Lvi”. Sino si Lvi?? Levi kasi. ‘Yung blood pressure ko tumaas. Nireplyan ko na lang ng “Dear Glf”. Maghanapan na lang kami ng mga nawawalang letra. Priorities di ba?

Nung minsan, may nagtanung if gusto kong magpabili ng dinner para di na ako lumabas. Umoo naman ako. Hayun, nagexercise muna siya, nanood ng taekwondo, nagswimming, naligo. After 2 -3 hours, saka dumating ‘yung dinner ko. Fault ko naman ‘yun. Di ako nagtanung anung oras siya makakauwi. Kaya choice niya kahit hatinggabi pa niya dalhin. Muntik ko na ngang sabihing salamat pang dinner ko ‘to bukas.

Nung minsan, sinabihan akong ba’t may chat groups daw na wala siya. Ako ba, nang-issue na wala ako sa mga ibang groups? Kakagigil. Kakapunyeta.

Minsan, may pinakilala sa akin sa office. Nung bumalik, pinagsabihan kong, “bat mo pinapakilala eh di naman kami magkawork or any future work??” Natulala siya. hahaha Outburst. Blame it to a bad morning. Nag-sorry naman ako dahil walang sense yung pinaglalaban ko.

Ang dami-daming nangyayari sa mundo na kahit kaliit-liitang bagay eh issue na. May nagsabi na bat ang hilig kong mang-issue gaya na lang daw nung nagmessage siya sa google chat group na pasintabi dahil magmemessage siya sa FB group. Di ko makita sense so call out ko ‘yung kagagahan niya. Pero pati ba naman nga raw to, issue? Nga naman!

Sa dami na rin ng pinalampas ko, umabot na ako sa breaking point na konting push pa mang-aaway na rin ako. Feeling ko sa dami-dami ng nonsense na binabato sa akin, puno na ako. Feeling ko di na healthy. Pero baka nga ako lang talaga ’to! Marami rin akong kagagahan kaya gaga rin ‘yung mga nasa paligid ko. Hahaha Sa susunod, wag na lang kausapin ‘yung mga tao. Buti na lang mas may sense ‘yung mga tao sa FB messenger at twitter DMs. Kaya intact pa ‘yung sanity ko.