3

Snappy Answers ‘pag Wala Kang Pake

Meron talagang mga tao na nakakatuyot ng dugo. ‘Yung nakakapagpalabas ng inner Hitler mo. ‘Yung gustong-gusto mong magdonate ng common sense o alayan siya ng konting utak. ‘Yung tipong para na siyang alarm clock, paulit-ulit. O ten times ang pagpapapansin. ‘Yung gandang-gandang sa sarili o gwapong-gwapo. ‘Yung konti na lang ihahagis mo sa Spratlys dahil nagfefeeling Prom Queen.

  1. Teka lang! Papadeliver ako ng pake! Out of stock, beh.

  2. Nawawala ‘yung pake ko, usap tayo ‘pag nakita ko na.

  3. Gurl, ‘wag ako… Wala! Akong! Pake!

  4. Ohhhhhhhh (dapat mahaba hanggang maubusan ka ng hininga). One word – Kebs.

  5. May piso ka ba? Bibili lang ako ng pake.

  6. Uso tumahimik. Alam mo ‘yun.

  7. Heto naman, kelan pa nakialam ang tao sa hayop?

  8. You have the right to remain silent. Please exercise it.

  9. Tulad ka rin ng ex ko, walang kwentang kausap.

  10. Stop! Nakaleave ung tenga ko. Walang makikinig sa’yo.

  11. Ah talaga? Alam mo ba may tatlong bibe akong nakita….

  12. Tignan mo siya from bumbunan to toenails sabay hair flip at walk out.

Advertisements
0

Six Signs na Social Climber ka

tumblr_lxrjvjNrOL1r23tzz

Hipon ka ba na nag-aaspire maging lobster? O pato na gustong magmukhang swan? O turkey na magbihis peacock? Well, baka belong na belong ka sa social climber breed. ‘Yung in between sa patay-gutom gang, circle of burgis at crowd ng mga snob na elitista. Mga tinatawag na movers and shakers ng pyramid ng food chain.

1. Hayop sa Social Media

Crime against your humanity ‘pag hindi mo naipost ‘yung bago at branded mong damit (take note kitang-kita ang brand!), makapagcheck-in at makapagkape sa Starbucks (dapat kita ang logo!) at maisiwalat sa buong mundo lahat ng labas at ganap mo (with captions na #uberingnow, #partypamore, #YOLO, #IamABeach).

Sympre, sangkatutak ang ‘yung followers pero kalahati dun ay nakasubscribe para laitin ka araw-araw.

2. Para kang aaura anytime, anywhere

Araw-araw na lang eh para kang rarampa sa Cannes Festival. Posturang-postura sabay post ng #OOTD. Kelangang umaura kahit pupunta ka lang naman sa fishbolan o bibili ng toyo sa kanto. Opkors, kelangang imaintain ang image, day!

3. Brands ang Labanan

Hindi lumilipas ang isang araw na ‘di siya makapagpagpag ng brands na suot o tunog-poshing na napuntahan. Kung makapagsabi ng brands ay wagas pero nagdurugo naman ang ilong sa pagpronounce.

‘Pag may nagsabi na ang ganda naman ng shades. Ang sagot niya, “I know rawr. It’s Ray-Ban.” Pasalamat ka nagsale sa ensogo.

“Ang suot ko nga noon Lacoste shirt.” Butiki naman ang logo.

“This weather is sooo like Boracay!” Never ka namang nakapag-Boracay.

‘Pag may nagyaya ng meet up sa SM. “My yaya shops in SM so Jollibee na lang in Glorietta?”

4. Name drop is the name of the game

Akala mo meron siyang networking business sa tindi ng namedropping niya. Kelangang makapagmention ng “friend” na sikat o kakilalang politician.

‘Pag may nagsabi ng Tim Yap, “Oh my! My ate angie is beshie with someone who is beshie with the gym buddy of Tim Yap.” Gamit na gamit ang 6 degrees of separation para maipakitang bigatin ang network niya.

 ‘Pag may nagsabi ng Sandro Marcos, “I have a friend who has a friend and ‘yung tito’s kapitbahay niya has this panata every weekend in Baclararan and she saw Sandro there daw. Not that cute sabi.”

Pilit na pilit na connections…

5. Sariling sikap ang papuri sa sarili

Gahaman sa spotlight. Ganun talaga, kelangan gapangin para mabelong sa upper crust. Lahat ng opportunity ay grinagrab para magmukhang cool, poshing at cultured.

“I look like an artista raw!”

“I look rawr with this new shirt! Kahit gosh, ang mahal! It costs one month salary ni Yaya!”

Kapag may nagtangkang mag-upstage sa kanya, bigla siyang kakambyo ng, “Wait! (two hands sa dibdib with open palms na parang MMDA), I forgot to make kwento. I had this thingy…”

6. Numero unong basher ng mga social climbers

Ang ipokrita ay galit sa kapwa ipokrita. Ang plastic must remain plastic. Never siyang aaming certified social climber at lahat ng paraan ay gagawin para manatiling sikreto… Yun ang akala niya. Dahil mas mabaho pa sa durian ang nangangamoy niyang fake na katauhan.

Walang masama sa pagiging social climber ayon sa mga bituin. Pero tandaan, hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran. Gabay lamang sila. Tsarot.

Sarili mo ‘yan, kahihiyan at pagkatao. Panindigan mo na lang o gawin mong moderately ingested! Yung tipong di ka annoying! Yung tipong healthy dosage lang dahil pag nagcross ka na ng line masyadong mapanghusga ang lipunan. Lalaitin ka mula tooth decay mo hanggang sa ingrown ng iyong kuko. Award na award ang bawat kwento mo pero sunog na sunog ang iyung pagkatao.

[Sobrang nakakahiya ‘tong post na’to sa dalisay kong pagkatao! Hahahaha]

0

Closure Mo, Mukha Mo

DSC_0110 copy

“Nakipagkita ka?”

“Oo para may closure.”

HAHAHAHAHAHAHA. Dinig na dinig hanggang outer space.

“Gusto mo lang siyang isex!”

“Eto naman. Break-up sex. One last for the road.”

Nagdasal muna ako ng tatlong segundo. Kinalma ‘yung sarili bago pinalipad ‘yung hawak kong libro.

“Six months na kayong break! Bukas ha, daan tayo sa vulcanizing shop. Patingnan natin ‘yang naaagnas mong utak.”

 

Ang closure ay kasama ng pagmomove forward. Pero tayo mismo ang nagbibigay niyan sa sarili natin. ‘Yung tipong gumamit ka ng Whisper napkin with extra wings sabay sisigaw ng I feel free. Hindi nakakatulong sa pagmomove on ‘yung pagpupumilit mong sundan, kausapin ‘yang ex mo at ungkatin ang nakaraan. Siopao asado moves ang tawag dyan. Gusto mo lang ibangon ‘yang self-esteem mong nasa laylayan. Validation sa self kumbaga. Sabi nga ni Duterte kagabi, “Don’t fuck with me! Letse kayo!”

Kapag ang isang bagay ay tapos na kelangan mong dahan-dahang tanggapin at ikondisyon ang sarili na tapos na. Hindi ‘yung maghahanap ka ng closure sa kanya. Isa itong malaking ka-echosan. Repeat after me, “isang malaking ka-echosan.”

Dalawa lang naman ‘yan – either gusto mo talagang magmove on kaya clinaim mo na lahat ng closure sa sarili mo o feeling hopia ka pa rin at steady lang. Sabay stalk sa lahat ng social media accounts niya careful na hindi malike ‘yung mga photos at status niya.

Maniwala tayo kay Krissy, “Kapag ang baso ay nabasag, wag mong piliting pulutin ‘yung mga basag. Mas masakit. Mas nakakaiyak.” Move forward with yourself at ‘wag maging dependent sa probability ng isang closure kasama siya. Para anu pa? Para pag-usapan kung sinong nakabasag? Kung anu-anung mga nangyari bago nabasag? Pagkatapos mabasag? Anu’ to SOCO? Once basag, you cannot put it back.

Bakit hindi ikaw na mismo ang kusang magclose ng kung anumang bukas na siyang nagiging dahilan ng gabi-gabing pag-inom ng emperador light. Respeto naman dyan. Sa kapitbahay mong naririndi na sa kanta mong All by myself. Tiwala lang. Hindi mo kelangan ng closure (with him) kung gusto mo talagang magmove on. Darating ka rin dun. Carefully. Slowly.

Landiin mo na lang muna ‘yung gwapong tambay sa kanto! Charot. Go out but don’t multiply.

 

0

Deconstructing Kindness

DSC_0812 copy1

Nagbigay ka lang ng limang pisong tip, kind ka na? Nakakahiya naman sa limang piso mong kayang-kaya niyang bumili ng sandamakmak na kahihiyan sa katawan. Eh, ‘yung nagpahiram ka lang ng napkin? O nagpakopya ng assignment o nagstat ng #prayforPH? ‘Yung nagrepost ng article tungkol sa mga refugees? ‘Yung bumili ng cake o take out?

Nakakatawa na talaga  ‘yung definition natin sa mga bagay-bagay. ‘Yan tuloy nagmumukha na tayung mayabang at tanga. Shallowness at its best.

Hindi porket nagpahiram ka lang ng bag eh true example of a kind person ka na. Nagpahiram ka expecting na kung hihiram ka ng something eh makakahiram ka. Kinacalculate mo na ‘yung future benefits sa simpleng act of “kindness” mo.

Kaya nga nung nanghiram ka tas di ka pinahiram, abot hanggang langit ‘yung galit mo! ‘Yung tipong nagtakip ng ilong ang mga anghel sa tindi ng amoy ng bunganga mo! Sa susunod, sabihin mo kasi, “oi, may kapalit ‘to!” Para malinaw ang lahat. Walang sakitan ng loob.

Don’t label yourself kind if you have hidden motives and false intentions. The reality is we are so above ourselves that giving tips to waiters, sharing coins to beggars and paying for a group dinner are considered acts of kindness.

With matching post sa facebook at instagram na may kasamang #goodvibes #sharingiscaring #kindnesstohumanity. Sabi kaya ni humanity sa’yo, pakyu. Nagbigay ka lang naman ng tip to show off! Nung barya kay kuya kasi nandiri ka nung hinawakan ka niya. Nagbayad nung bill sa resto kasi gusto mong sambahin ka.

Nung minsan, sabi niya, magpapakain daw siya para sa mga mahihirap. Sabi ko na lang, sus, ano to for more followers? Memapost sa social media with captions – #givingback #charityforthepoor #kindness. Sagot mo lang naman, “Ah basta! Nakakatulong naman ako sa pagbaba ng poverty level ng Pilipinas.” Aray ko beh! Muntik pa naman kitang inominate bilang susunod na santa. Pagawan kita dyan ng rebulto eh.

Nakakahiya naman sa’yo. Sa kontribusyon mo sa ika-uunlad ng Pilipinas. Eh kung ‘yun lang pala ang solusyon sa poverty eh di sandamakmak na pakain na ‘yung ginawa. Try mo ask si Madam Leni, baka magpalugaw everyday. Sabi nga nung isa, “Nakadrugs ba yan? Baka kunin siya in 3-6 months!”

It isn’t kindness if we are expecting returns. It isn’t kindness if this is a favor in exchange for a done deed. It isn’t kindness if we have other intentions. It isn’t kindness if this is an act of manipulation.

Sad but oftentimes, we just wanted to paint an image. We are kind for appearance’s sake and this defeats its purpose. Being kind is too different to being nice. Obviously, with being fake.

Hayyy… sarili ko na lang pagawan ko ng rebulto. Binigyan ko naman si manong guard ng dalawang slices ng pizza kahapon. A genuine act of kindness! Mabuhay ako! Slow claps for myself… cough*punyeta*cough.

cough*Check niyo rin main blog ko https://levitalks.wordpress.com/ *cough

 

Image
8

Five Signs Na Mas Nagmamahal Ka

DSC_0972

Love is never equal and the heart is not always right. [Kasi nasa center of the chest? Charot].

Sabi nung isa kong kakilala, maghanap daw ng taong mas mahal ka kesa ikaw ‘yung mas nagmamahal. Sabi ko naman, di mo naman ‘yan agad malalaman. Hindi ‘yan parang palengke na pwede mong timbangin para malaman alin ang mas mabigat. Oo, ‘pag ang stat mo ay single and ready to mingle, ibig sabihin nun nasa “market” ka. Para kang isda o petsay na kinikilatis pero may karapatan ka ring mangkilatis. Poke dito, poke dyan hanggang mahanap mo ‘yung the one.

Never naman talaga na naging equal ang pag-ibig. Laging merong mas nagbibigay. Merong mas umiiyak, mas umaasa o mas masaya.

Pero sa lahat ng kadramahang ‘to, panu mo nga ba malalaman kung ikaw ang tanga… este, ang mas nagmamahal sa inyong dalawa.

1) Mas madali kang magpatawad.

Kung magpatawad ka parang kendi lang sa kanto. Bigay lang ng bigay. Sabi mo pa, okay lang busog na busog ka naman sa pride. Lagi mo na lang kinakain. Feeling mo kasi masarap.

2) Best in Memory ka at Best in Amnesia siya.

Sa lahat ng okasyon – birthdays, monthsaries, anniversaries – alam na alam mo kahit magpaquiz pa nang tulog. Alam na alam mo rin ‘yung araw ng unang sulyap, unang halik at unang out-of-town. Baka pati brand at kulay ng damit niya sa bawat araw na nakikita mo siya.

3) A++ for effort.

Three months in advance kung magplano ka ng couples ganap. Lahat ng ginagawa at binibili mo para sa kanya ay nagsusumigaw ng BONGGA! ‘Yung tipong hindi lang palakpakan, may kasamang luhod factor. Sabi nga ni Tito Boy, “Kaibigan, ikaw na!” Di bale na kung namax out ‘yung credit card mo o zero savings ka na, mabili mo lang ‘yung gusto niya. Kapag nagbilangan kayo ng regalo, landslide ang pagkapanalo mo.

4) Siya muna, bago ikaw.

Feeling mo isang malaking kasalanan ang maging selfish kaya puro na lang needs and wants niya. Sa relationship niyo, ikaw si Mother Theresa o si St. Francis kaya siya muna bago ang ‘yong sarili. Pero di naman niya kasalanan dahil desisyon mong sambahin pati ang dinadaanan niya. Hindi cute ‘pag pinapaikot mo na lang ‘yung mundo mo sa kanya. Minsan, celebrate ka ng “myself appreciation day”, ‘yung puro ikaw naman. Tip the scale.

5) Bodega Queen/King

‘Yung tickets sa unang sine, napkin sa unang kain at petals nung unang bouquet ay pinakatago-tago mo pa. Lahat na lang ng bagay ay ginagawa mong memento. Tapos ‘pag namimiss mo siya, parang tanga lang na nilalabas mo isa-isa at nagrereminisce with matching dutdut sa gilid ng ‘yung mata.

Hayan, ilan lang ‘yan sa listahan. Ayokong isama ‘yung mga punyetang ikaw ang unang nagtext o tumawag kasi pabebe na masyado ‘yung mga ganun. Masyadong importante ang communication sa isang relationship so kebs kung sinong nauna.

Sa totoo lang, una pa lang may mali na. Di ka naman umiibig nang may sukat o timbang. [hahaha ohmygush abelgush, padeep na ‘to] Umiibig ka nang walang limitasyon, walang kondisyon at walang hinihinging kapalit… Dapat. Pero lahat tayo feeling entitled kaya ang dami nating requirements and expectations. Ang dami-dami nating demands sa isa’t-isa kaya hayan ang bagsak, mag-isa ka. Eh, anu ngayun kung ikaw ang mas nagmamahal o nagmahal. Sa ganun eh.

Paalala lang, ‘wag mong hayaang maging hindi makatarunungan ‘yung inequality sa equation ng inyong pagmamahalan. Ang katangahan ay may hangganan. Kung mas may respeto siya kay Jollibee, please lang, magconcede ka na at kumain na lang ng burger.

—-

 

0

Bakit Ang Dami-Dami Nating Pinaglalaban Sa Buhay?

DSC_0488

Bumili ako ng kape, latte, pero ang binigay ni ate, mocha. Inis na inis kong pinagsabihan si ate na latte po. Ayokong makiuso kay Mocha Uson, pwede ba. Sa dinami-dami ng injustices sa mundo, ‘wag na natin isama ang kape.

Nung pinaghintay ako ng 20 minutes, iritang-irita ako dahil nagmukha akong halaman na hinahalik-halikan ng mga pakshet na lamok. Alam mo ‘yun. Choice ko namang maghintay pero masyado akong affected.

Sabi niya, “Ayokong masabihang mayabang.” Sabi ko, “Mayabang ka naman talaga”, with matching deep conviction sa side ko. ‘Yung tipong kahit umabot kami sa supreme court, ipaglalaban ko.

Sabi niya, “Kontodo make-up siya!” Sabi ko, “Wow. Pati make up, kasama na sa dislike equation!” Sige, ipush lang natin ang I-hate-list sa taong ‘yan baka magustuhan tayo ng iba. I-todo na natin ‘yung panlalait hanggang sa kulay ng underwear niya. Sabi nga, maliit man o malaki, kasalanan pa rin ‘yan so imaximize mo na. Nakulangan ka pa.

Tinanung ako, “Ba’t ang busy busy mo?” Nireplyan ko, “Try mo kaya magwork for once.” Dinamdam nya. Sige, ipaglaban ang feelings ‘pag tayo ay naaapi! Wala namang pumipigil sa atin ‘pag tayo ay nasaktan. Feelings mo ‘yan. Entitled ka.

Pinameet the parents ng kapatid ko ‘yung Bikolano niyang jowa. May mga nagmessage sa FB na asan daw ‘yung akin, kelan daw ako, ba’t daw nauna ‘yung mas bata. Sana maramdaman n’yo ‘yung bitterness sa seenzone ko. Kakaloka kayo. Mga feeling close. Minessage ko na lang si Mama, pwede ba pakisabi sa mga tao dyan ‘wag akong imessage ng garbage. Oh di ba, pati ba naman ‘to pinalaki ko pa.

Nung Sabado, sinita ako nung guard sa di ko maintindihang kadahilanan kaya binigay ko na lang ‘yung dala kong popcorn. Stock ko pa naman ‘yung para sa SEABA Thailand versus Philippines basketball. Hayun, 10% less sa intensity ng cheer ko. Desisyon ko namang ibigay so ba’t di ko malet go let go with matching computation ng loss?

Nag-email si Golf ng “Dear Lvi”. Sino si Lvi?? Levi kasi. ‘Yung blood pressure ko tumaas. Nireplyan ko na lang ng “Dear Glf”. Maghanapan na lang kami ng mga nawawalang letra. Priorities di ba?

Nung minsan, may nagtanung if gusto kong magpabili ng dinner para di na ako lumabas. Umoo naman ako. Hayun, nagexercise muna siya, nanood ng taekwondo, nagswimming, naligo. After 2 -3 hours, saka dumating ‘yung dinner ko. Fault ko naman ‘yun. Di ako nagtanung anung oras siya makakauwi. Kaya choice niya kahit hatinggabi pa niya dalhin. Muntik ko na ngang sabihing salamat pang dinner ko ‘to bukas.

Nung minsan, sinabihan akong ba’t may chat groups daw na wala siya. Ako ba, nang-issue na wala ako sa mga ibang groups? Kakagigil. Kakapunyeta.

Minsan, may pinakilala sa akin sa office. Nung bumalik, pinagsabihan kong, “bat mo pinapakilala eh di naman kami magkawork or any future work??” Natulala siya. hahaha Outburst. Blame it to a bad morning. Nag-sorry naman ako dahil walang sense yung pinaglalaban ko.

Ang dami-daming nangyayari sa mundo na kahit kaliit-liitang bagay eh issue na. May nagsabi na bat ang hilig kong mang-issue gaya na lang daw nung nagmessage siya sa google chat group na pasintabi dahil magmemessage siya sa FB group. Di ko makita sense so call out ko ‘yung kagagahan niya. Pero pati ba naman nga raw to, issue? Nga naman!

Sa dami na rin ng pinalampas ko, umabot na ako sa breaking point na konting push pa mang-aaway na rin ako. Feeling ko sa dami-dami ng nonsense na binabato sa akin, puno na ako. Feeling ko di na healthy. Pero baka nga ako lang talaga ’to! Marami rin akong kagagahan kaya gaga rin ‘yung mga nasa paligid ko. Hahaha Sa susunod, wag na lang kausapin ‘yung mga tao. Buti na lang mas may sense ‘yung mga tao sa FB messenger at twitter DMs. Kaya intact pa ‘yung sanity ko.

2

Liham ni Andres Bonifacio kay Gregoria De Jesus

1897 Mayo 1

Mahal kong Oryang,

Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang ulit na ihaharap sa pulang bandila. Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan, Oryang. Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang mga tula. Maging ang bulong at buntung-hininga’y magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa.

Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaan mong ang halakhak at sigaw ng ating mga kasamahan ay sa akin rin. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako’y mananatili sa iyong piling.

Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng bayan, tayo’y mananatiling katipun, kawal, at bayani ng ating pagmamahalan. Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali at gabi upang sa muli mong paggising ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma.

Hindi ko man hawak ang bukas, nais kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka.
Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.

Ikaw ang aking bayan,

Andres

——

Dahil Buwan ng Panitikan, pinili ko itong tula ni Eljay Castro Deldoc. Nabasa ko siya sa Philippine Collegian noon pa (oo, alumna ako ng UP Diliman) at nais na ibahagi sa lahat. Sana’y pahalagahan natin ang Panitikang Pilipino dahil sobrang ang huhusay ng mga manunulat natin. 🙂

0

Ang Pagsuko ng Bataan

pagsuko ng bataan

“Putangina! Masakit!”

“Well, shit happens!”

“Kung di ka ba naman tanga sa basketbol! Hindi dito ang ring, dun!”

“Kung di ka ba naman tanga. Hindi dito ang mall! Dun ka maglakad-lakad.”

“Hindi ka man lang ba magsosori?!”

“Ako ba ang nakatama sa’yo? Kausapin mo ‘tong bola, baka magsori.”

Dito nagsimula ang katagang, pag binato ka ng bola, batuhin mo ng sapatos… ‘Yung may takong!

Simula’t-sapul para na kaming aso’t-pusa. Ang tawag niya sa’kin ay Fatty Patty dahil sobra akong mataba nung bata ako. Ang tawag ko naman sa kanya ay Dustin Tingting dahil sa sobrang tangkad niya na patpatin.

‘Yun nga lang, iba ang nagagawa ng basketbol. Lahat yata ng babaeng kakilala ko handang isuko ang Bataan kay Dustin. Handang mabilad sa sikat ng araw, mapansin lang niya. Handang mawalan ng boses, maisigaw lang ang pangalan niya.

Hindi ko na nga alam kung ilang I love you, Dustin at Will you marry me, Dustin ang narinig at nabasa ko ‘pag may basketbol sa kanto. Oo, nag-evolve na nga siyang tao, pero ugaling hayop pa rin! Anhin mo ang itsura kung wala naman siyang modo.

‘Yun nga lang, ako raw ang walang modo. Sabi ng tatay ko, “Kababae mong tao, wala kang modo!”

Isinugod sa hospital si Dustin. Nahimatay. Takot pala sa dugo. Tumama kasi ‘yung takong ko sa kanyang noo.

Kaya napipilitan man, binisita ko siya sa kanilang bahay.

“Hi, may dala akong ulam. Peace offering.”

“Ano ‘yan? May lason?”

“Walang lason. Dinuguan.”

Kung pwede lang n’ya akong batuhin ulit, ginawa na n’ya.

“Biro lang! Adobo, paborito mo!”

Simula nun, biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. Nagkakabiruan pa rin pero natuto kaming magkaroon ng modo sa isa’t-isa. Sa katunayan nga, isa na rin ako sa mga babaeng handang magbilad sa araw, mapanood lang siya. Handang mamaos, maisigaw lang ang I love you, Dustin kapag naglalaro siya.

Pero hindi ako naging handa nung sinabi niyang, Will you marry me, Patty? Dahil bumaha ng luha at putangina. Pasalamat siya, handa kong isuko ang Bataan sa kanya.