Friendzone, Uto-uto at Oportunista

Sabi ni Papa Ramon B, “Friend zone is the new basted”. Parang easy way out para wag ka na paasahin, para icrush lahat ng fantasies mo. Parang consolation sa naghihikahos na lablayf mo. Pero ang basted ay basted pa rin. ‘Wag magtago sa likod ng friend zone. “Let’s just be friends?” Ahahahahahha ‘Nyeta niya seventy times over.

Huwag na kasi ipilit ang hindi dapat. Alamin mo ang boundaries at roads ng friendzone para pag inattempt mong kumawala, alam mo paano bumalik. Marami kasing di na bumabalik. Maraming mas gusto na lang na ilublub ang kanilang mga sarili sa self-pity at rejection. Mga ayaw mag-move on. Oi, nahurt.

Eh kung di ka ba naman kasi uto-uto. Kinindatan ka lang bumigay ka na. Sinabihang maganda or gwapo, nag-assume na ng jowa in the making. Tanga lang din noh? Lagi namang uso ang maging tanga pero walang sukatan gaano ka nagpakatanga. Paaasahin ka hanggang wala na silang choice kundi gamitin ang friend zone card. Tama na! Paki-pulot ‘yung nalaglag mong self-esteem at i-unfreeze ‘yung nakabakasyon mong utak. Gapang pamore palabas ng mundo mong punong-puno ng ilusyon.

Tandaan, maraming tao ang oportunista. Ayaw ka nilang harapang bastedin kasi sayang naman ‘yung pagiging galante mo – parang nakajackpot sila sa dami ng freebies kasama na run ‘yung pagiging julalay mo sa kanila. May masters sa pambobola kaya kinikiliti ka nang bonggang-bongga. Epektib! Gamitan lang ang peg. One-sided lablayf! Labas tayo minsan, ipapakilala kita kay karma. Para tubuan ka ng malasakit sa kapwa.

Teka, bakit ang alat naman yata ng araw ko. Left-over pa siguro nung kinain kong salted eggs. O siya, bibili na lang ako ng kamias. ‘Yung sobrang asim para sa sobrang alat kong feelings.

*Para kay Lebrun at Marina.

 

Advertisements

Closure Mo, Mukha Mo

DSC_0110 copy

“Nakipagkita ka?”

“Oo para may closure.”

HAHAHAHAHAHAHA. Dinig na dinig hanggang outer space.

“Gusto mo lang siyang isex!”

“Eto naman. Break-up sex. One last for the road.”

Nagdasal muna ako ng tatlong segundo. Kinalma ‘yung sarili bago pinalipad ‘yung hawak kong libro.

“Six months na kayong break! Bukas ha, daan tayo sa vulcanizing shop. Patingnan natin ‘yang naaagnas mong utak.”

 

Ang closure ay kasama ng pagmomove forward. Pero tayo mismo ang nagbibigay niyan sa sarili natin. ‘Yung tipong gumamit ka ng Whisper napkin with extra wings sabay sisigaw ng I feel free. Hindi nakakatulong sa pagmomove on ‘yung pagpupumilit mong sundan, kausapin ‘yang ex mo at ungkatin ang nakaraan. Siopao asado moves ang tawag dyan. Gusto mo lang ibangon ‘yang self-esteem mong nasa laylayan. Validation sa self kumbaga. Sabi nga ni Duterte kagabi, “Don’t fuck with me! Letse kayo!”

Kapag ang isang bagay ay tapos na kelangan mong dahan-dahang tanggapin at ikondisyon ang sarili na tapos na. Hindi ‘yung maghahanap ka ng closure sa kanya. Isa itong malaking ka-echosan. Repeat after me, “isang malaking ka-echosan.”

Dalawa lang naman ‘yan – either gusto mo talagang magmove on kaya clinaim mo na lahat ng closure sa sarili mo o feeling hopia ka pa rin at steady lang. Sabay stalk sa lahat ng social media accounts niya careful na hindi malike ‘yung mga photos at status niya.

Maniwala tayo kay Krissy, “Kapag ang baso ay nabasag, wag mong piliting pulutin ‘yung mga basag. Mas masakit. Mas nakakaiyak.” Move forward with yourself at ‘wag maging dependent sa probability ng isang closure kasama siya. Para anu pa? Para pag-usapan kung sinong nakabasag? Kung anu-anung mga nangyari bago nabasag? Pagkatapos mabasag? Anu’ to SOCO? Once basag, you cannot put it back.

Bakit hindi ikaw na mismo ang kusang magclose ng kung anumang bukas na siyang nagiging dahilan ng gabi-gabing pag-inom ng emperador light. Respeto naman dyan. Sa kapitbahay mong naririndi na sa kanta mong All by myself. Tiwala lang. Hindi mo kelangan ng closure (with him) kung gusto mo talagang magmove on. Darating ka rin dun. Carefully. Slowly.

Landiin mo na lang muna ‘yung gwapong tambay sa kanto! Charot. Go out but don’t multiply.