6a00e54ef964538834017c34cbc8d0970b-1024pi

“Sori.”

Mukha mo! Kainin mo ‘yang sori mo.

Nagpapatawa ka ba? Eh, nangyari na eh! Sinaktan mo na ako. Pakyu!

Sori lang ang katumbas ng luha ko? Sori lang katapat nung dalawang linggong wala akong tulog? Sori lang katapat nung dalawang kilong pinayat ko?

Ikaw ang nang-iwan. Ikaw ang biglang bumitaw. Ikaw ang nagwalk-out! Ay, di lang basta-basta walk-out, parang episode sa isang teleserye na bigla mo na lang sinabi na ayaw mo na! Wow, ha! Anung tingin mo sa relasyon natin? Parang KFC burger lang? ‘Pag naumay ka, pwede mong itapon sa basurahan? O parang DQ ice cream na pwede mong iwan sa tabi at hayaang matunaw lang?

Ibang klase ka rin noh? Sa’n ka ba gawa? Sobrang tibay mo kasi. Sobrang kapal ng mukha mo. Gawa ba ‘yan sa semento? Bawas-bawasan mo naman. Nakakaasar kasing tignan. Sobrang sarap ingudngud sa basurahan.

Ngayun, bigla kang bumabalik. Sasabihing sori. Aba, hindi ako diyos. Di kita kayang patawarin. Di ko kayang sikmurain na meron kang ibang lalaking nilandi at dahil nagsawa ka na sa kanya, bigla lang bumabalik. Anu ‘to? Larong ping-pong?

Limang beses yata tayung naghiwalay sa limang taong relasyon natin. Sa limang taon na ‘yan, ilang lalaki ‘yung nilandi mo? Isa? Weh! Kilala na kita, the more the merrier ka. More chances of winning ang drama. Parang winner takes all. Lima ba? Sampu? Nakanaman! Ikaw na ang maganda… Malandi. Walang puso! Pakyu!

Ayoko na. Tama na. ‘Wag na.

“Hayyyyy…..”

Sige na nga. Isa na lang. Isang chance na lang. Sana lang tumigil ka na sa larong pingpong. Baka isang araw, di na kita kayang saluhin. Baka isang araw, ako naman ang magwalk-out. Baka isang araw, ikaw naman ang masaktan.

Leave a comment