DOUBLE STANDARD MUCH?

Kapag mag-uupgrade ako ng burger gusto ko palaging double patty, double cheese, double bacon. Pero ayokong magka-double chin. Hindi ako kumakain ng gulay pero ang gusto ko sa burger may coleslaw. Double standard much right?

Ayaw natin sa double-standard pero tayo mismo may pagkadouble-standard din. In short, pamatay na pamantayan.

1. Kapag nagpahayag ka ng opinyon mo, “freedom of speech”. Pero kapag opinyon ng iba, mga nagmamarunong, nagmamatalino, “Mga Feeling Political Analyst.”

2. Ang bilis ma-offend sa ‘rape joke’ pero mega-share sa mga Galawang-Hokage posts na kung iisipin mong mabuti, pagtatake-advantage din yan sa mga kababaihan. Pero ang justification mo, magkaiba naman yun.

3. Galit ka kay Vice-Ganda kasi puro lait yung mga jokes niya. Pero kung makapanlait ka sa social media daig mo pa siya.

5. Galit na galit dun sa Billboard ng Vaseline dahil sa paggamit ng “DULL’ patungkol sa kulay kayumanggi. Pero tawang-tawa ka pag nilalait ni Senyora ang kulay ni Nancy Binay. Galeng!

6. Hindi daw siya homophobic pero ang depinisyon mo ng duwag at lampa, “BAKLA!”

7. Kapag Rappler at Philippine Daily Inquirer, biased. Kapag Mocha Uson Blog most credible.

8 Kapag lalaking Math teacher na may abs ang nagpost ng hubad sa social media, “OMG! 1 + 1 = 3?”. Pero kapag babaeng nakitaan lang ng cleavage, “Bitch. Malandi. Pokpok.” #SlutShaming

9. Nung tinuligsa ni Manny ang LGBT, “Ikinakahiya kita Manny! Ikaw ang mas masahol pa sa hayop!” Pagkatapos ng laban niya kay Bradley: “Congrats Manny! Proud kami sa’yo!”

10. Gusto mo ng fairness at equality, pero nung isang beses na di ka pinaupo ng isang lalaki sa MRT galit na galit kang nagpost sa FB tapos sabi mo pa, CHUVALRY IS DEAD. Equality ba talaga ang pinaglalaban o pansariling interes lamang?

11. Ayaw mo sa body-shaming. Nagagalit ka kapag may lumalait sa mga matataba at panlabas na kaanyuan ng isang tao. Pero tawang-tawa ka kapag nilalait yung hindi ‘tuwid’ na legs ni Kathryn.

12. Nagagalit ka kapag binabastos yung presidente ninyo. Pero kapag presidente niyo naman yung nambastos, “Nobody’s Perfect”. “Totoong tao lang siya.” So ano kami, Barbie?

13.  People always say, “Habang may buhay may pag-asa.” Pero ayaw mong iboto yung mas deserving at mas kwalipikado na maging presidente dahil “Baka mamatay lang ng maaga.” Bakit, yung iba ba imortal?

At mapapasigaw ka na lang with echo, “Nasaan ang Hustisya???!” sabay slide sa tiles ng banyo.

We are the “Generation na Madaling Ma-offend”. Pero sabi nga ni Kumpareng Michael Jackson, “If you want to make the world a better place take a look at yourself and make a change.”

Wag nating basta iasa na lang ang pagbabago sa susunod na magiging Pangulo ng bansa. Online ka man o hindi, nasa Pilipinas ka man o wala, may kanya-kanya tayong responsibilidad sa bansang ito dahil Pilipino tayo. Change is coming? Dapat matagal ng sinimulan. Hindi yan palaging sinisimulan kapag may bagong inihahalal na kandidato lamang. Nakakatawa lang dahil ang laki ng hinihingi nating resulta pero kahit konting partisipasyon hindi natin maibigay. Puro lang tayo post sa social media pero wala namang gawa. Ok na tayo sa “Atleast naipahayag ko ang opinyon ko.” “Atleast nagbabayad ako ng tax.”

Ang baduy mang sabihin, ang “pagbabago” sinisimulan yan sa mga sarili natin. Hanggang sa makasanayan na lang natin. Hanggang sa masanay na lang ang ibang tao sa ginagawa natin. Hanggang sa hawa-hawa na ‘to. Pasasaan ba’t unti-unti din nating mararamdaman ang pagbabagong hinahangad natin. Hindi man ngayon, bukas o sa mga susunod na anim pang mga taon, pero alam nating meron dahil may ginagawa tayo at responsable tayo.

*At masasabi ko na din sa sarili ko na pwede ko ng kainin yung burger na inorder ko. Lamig na eh.

Source: israelmekaniko

———

Magaling siyang magsulat, so check niyo! Oo, wala talagang #4 kaya ‘wag nyo akong kulitin! Tanung niyo si Israel at isama niyo na rin ba’t walang #14, 15, 16, hindi ‘yung selective lang kayo.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s