I Wish Things Have Been Different

DSC_0135_011

I wish things have been different. I wish I knew this is going to happen. I wish I saw the tell-tale signs. And I wish I did something to stop whatever we had become today.

I am scared. I wish I knew I was slowly losing you in the process of working hard to keep you? Was I selfish? But, I still want to be. I want you. Back. I wish it is as easy as to say the words. Not as hard as trying to be alive when there are no longer reasons to be. Sometimes, I understand… until I am again caught up on these bubbles of shame and regret.

Do you love for the moment or a lifetime? Was I just a passing moment? Obviously, not a lifetime to keep.

Was it painful when you left? Did it even hurt for just a tiny, little sting? Was it an easy choice? I wish it wasn’t. I wish you had some moments of hesitation. At least one for each year of us being together. Six times. That’s enough consolation that even at the last moment, I did not totally lose you.

But, behind all these, all the what ifs, all the wishes to make it different; there is nothing I can do when the heart no longer wants what it used to want.

*wrote this on the way from Halong Bay to Hanoi. For a friend.

Surprise Me

Sabi nila, sorpresa daw ang pinakamahalagang elemento ng kasiyahan. Dapat may kasamang sorpresa kung gusto mong makamit ang rurok ng kaligayahan. Dapat may gulat factor. ‘Yung kinakailangang magulatang ka, manginig saka biglang tatawa. ‘Yung kinakailangang maramdaman mo ‘yung palabok na emosyon, parang samu’t saring pelikula. May romance, comedy, horror at drama. Lahat pinag-isa. Kaya nga sorpresa.

Kaya simula pa noon, gustong-gusto ko ng sinosorpresa. Sa isang iglap, lahat pwede mong maramdaman dahil ‘di ka handa. ‘Pag tinatanung ako kung anung gusto ko, lagi kong sinasabi, “Surprise me.”

Pero ‘di ko inakala na isang araw, sasabihin kong ayoko na. Ayoko na.

Dati, kilig na kilig ako ‘pag nag-iiwan ka ng isang maliit na sulat. ‘Yung may nakalagay na “mahal kita”. Gustong-gusto ko ‘pag may dala kang bulaklak. ‘Yung tinatawanan lang kita ‘pag napipikon ka. O kaya’y ‘pag sinusuyo mo ako ‘pag inaaway kita. Lahat ‘yun, araw-araw mo akong pinapasaya.

Pero, ang buhay ko nga ay isang malaking pelikula. Mula romance, comedy, drama at ngayun ay horror na. Nagsimula, nung nakita kitang nakakabayo sa kanya. At ‘yung kasama mo pa, biglang sumigaw ng panghorror na “haaaaaaa…” Hindi ba dapat ako ang mapasigaw ng, “haaaaaaa…” sa’king nakita? Pero ako’y tulala sa iyong hinandang malaking sorpresa.

Ako sana ang maghahanda. Balak kong ipagluto ka. Alam ko kasi nitong nakaraang araw, eh lagi kang balisa. Mukhang may problema.

Pero panalo ka na. Sobrang matinding sorpresa. Nakakagulantang. Nakakanginig. Nakakabaliw.

Biglang may wangwang at mga pulis. Hawak ko pala ang isang kutsilyo habang nakatitig sa inyong dalawa. Akala n’yo yata sa inyo ko gagamitin. Hindi ba pwedeng sa’kin? O kaya’y gusto ko lang humawak ng isa. Masama ba? Di ba, ipagluluto nga kita?

Kung sino pa ang pinaglaruan, sinaktan, siya pa ang idinemandang kriminal. Attempted homicide. Eh, kung tanggalin natin ‘yung attempted? O kaya’y ako ang magdemanda ng murder? Pakiramdam ko kasi patay na patay na ang aking pagkatao. Ni wala nga kayong itinira para dun ako magsimula.

Ba’t ganun? Hindi ba kayo nanood nung pelikula ni Angelica? Sabi nga run, “Hindi lahat ng nakakapagpapasaya sa atin, tama.” Tama, di ba? Hindi porket masaya ka sa isang bagay, eh dapat kunsintihin mo na. Paano naman ang kaligayahan ng iba.

May karapatan kang lumigaya, pero bawal apakan ang karapatan ng iba. Bawal manggamit. Bawal manakit.

Nakatira tayo sa mundong may karapatan at kalayaan para gawin ‘yung mga gusto natin. Pero natatapos ‘yung karapatan at nawawala ‘yung kalayaan na ‘yan sa oras na may nasaktan, may naapakan. Dahil lahat ng karapatan ay pantay-pantay. Walang nakapangingibabaw.

Kaya ayoko na. Okay na ako sa simpleng masaya. Hindi ko kelangan ng sorpresa. Hindi ko kelangang makamit ang rurok ng pagiging masaya. Aanhin ko pa kung kasabay nun ay rurok ng aking pagluha.

———————-

“Hindi lahat ng nakakapagpapasaya sa atin, tama.” – A Love Story (2007)

Mema(sabi): Inis ako sa mga taong nagsasabi na meron tayong freedom to do and say anything without consciously thinking what it means! Mga gago! Sabagay, may karapatan akong manampal. May karapatan ka ring umilag. Good luck.

Kalbo Para Sa’yo

IMG_1150.JPG

 

“Mahal pa rin kita.”

Bulong. Pero rinig na rinig ko. Klarong-klaro.

 

“Nakainom ka ng Zonrox? O pinapak mo ‘yung Surf?”

“Isang minutong seryoso naman d’yan, oh.”

 

Ayoko. Dahil nung huling beses tayong magkausap ng seryoso, seryosong sakit din ‘yung naramdaman ko. Ayoko.

 

“Saka na, ‘pag di ka na long hair.”

 

Pagkatapos ng dalawang araw, hindi ka na nga long hair. Buhok-pinya naman.

 

Hindi ko alam bakit gusto mo uling subukan. Masakit na ‘yung una. ‘Wag na nating dagdagan pa.

 

“Allergic ako sa pinya.”

 

Nung nasaktan ako, para akong mababaliw. Parang pwede na akong isugod sa mental hospital sa tindi ng iyak at pagkatulala. Ayoko nang maranasan pa ulit. Baka di na ako makabangon. Baka di ko na ulit kayanin. Ayoko ng lumuha. Ayoko ng umiyak.

 

Pagkatapos ng isang araw, hindi ka na buhok-pinya. Wala ka ng buhok. Mas bagay pala sa’yo, ang kalbo.

 

Minsan, kung ano ang ayaw mo, siya namang kusang ipipilit sa’yo. Kung ano ‘yung alam mong bawal, siya namang tuksong lalapit sa’yo.

 

“Mahal pa rin kita.”

“Mahal din kita.”

 

Sana ngayun, mas bibigyan mo ako ng halaga. Mangangako rin ako na mas bibigyan kita ng halaga. Mas mamahalin. Mas iibigin.

 

Sana matuto tayo sa mga pagkakamali natin nung una. Hindi na ako magseselos sa bawat babaeng lalapit sa’yo. Hindi ko na sila aawayin at susupalpalin. Hindi na rin ako makikipag-away sa’yo pag dota ang inuuna mo.

 

Sana rin hindi ka na magseselos sa mga lalaking kaibigan ko. Hindi ka na rin makikipagbasagan ng mukha para lang patunayang mahal mo ako. Hindi ka na rin maiinis ‘pag natatagalan akong mamili ng damit.

 

Sana ngayun mas magiging matatag at matibay tayo. Dahil naniniwala ako na lahat ng pagsubok ay kakayanin natin, basta meron lang tiwala at pagmamahal sa isa’t-isa… Sana nga.

———————–

Mema(sabi): Sa totoo lang, di ako naniniwala sa second chances kasi mahirap kalimutan ang nakaraan, babalik at babalikan ninyo. Pero kung kakayanin naman nila, ibigay na natin at hilinging forever ‘yung kanila.

Mahal Kita, Bad Boy

“Dun ka nga sa kusina. Magbalat ka ng patatas.”

“Pucha! Di ako si Cinderella.”

“Tanga! Si Princess Sarah ‘yung nagbabalat ng patatas. Si Cinderella ‘yung nagkukuskus ng sahig.”

“Tanga! Ika-uunlad ba ‘yan ng buhay ko ‘pag alam ko ang pagkakaiba?!”

 

Tatlong taon na kaming boardmate. Dalawang taon na kaming magkaibigan. Isang taon ko na siyang minamahal.

Ewan ko, bigla-bigla na lang. Parang boom! ‘Yun na! May tama na ako sa puso. Ni hindi nga siya pasok sa listahan ko.

Mahilig ako sa maginoo. ‘Yung good boy. ‘Yung ‘pag niyaya ko sa kama, sigurado akong walang mangyayaring masama. ‘Yung pwede kong kaladkarin sa library o tumunganga lang sa tabi-tabi.

 

Pero ikaw ‘yung tipong ‘pag sinabihang kanan, kakaliwa. ‘Yung tipong peligro ang ulam sa umaga o tinik sa bawat lalamunan ng iba. Walang bawal, walang imposible. ‘Yung ‘pag minahal kita, suicide mission ang eksena.

 

Sabihin ko na kaya? Baka ito na ang tamang panahon para malaman niya. Mukha naman siyang sobrang masaya. Isa lang naman ang kalalabasan – hinding-hindi na kami babalik sa kung anumang meron kami ‘pag sinabi ko na.

 

“Oi, may bangungot ako kagabi. Sabi ko raw sa’yo, I love you.” Pwede na siguro.

“Pucha. Ano namang sagot ko?”

“’Yun mismo. Sabi mo, pucha.”

 

Biglang ang tahimik. Sobrang tahimik na rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng puso ko.

Di ko na kaya. Sabi ko nga, dun na ako sa kusina. Sasaksakin ko pa ‘yung patatas… isa-isa. O kaya’y pasabugin ko na lang kaya?

 

Pagtayo ko, bigla niyang hinatak ang kaliwang kamay ko.

“Wala sa bokabularyo ko ang mga salitang I love you.”

Sabi ko nga…

“Pero, pwede kong idagdag… pagdating sa’yo.”

Nagtitigan kaming dalawa. Parang may staring contest. Kumurap, talo.

“‘Pag sinabi ko bang idagdag mo, idadagdag mo?”

“Depende. Kung kasama ang salitang… tayo?”

 

Idinagdag nga niya. Nauso rin ang salitang bhe at ang mga salitang pucha, mahal kita. Bad boy man o hindi, sasaktan man ako o hindi, alam ko siya pa rin ang pipiliin ko. Mahirap sumugal pero mas mahirap ‘pag ‘di ako sumugal. Balang araw, masasabi kong nagmahal ako at naniwala sa isang bad boy.

Deadma Beauty

Sleeping-Beauty-Zac-Efron-Vanessa-Hudgens-550x376

Kumusta ka?”

 

Eto naman, para namang hindi tayo nagkita kahapon. Araw-araw na lang basta pagsapit ng alas-singko, dito ka na dumidiretso. May dala-dala ka pang rosas at kahon ng tsokolate. Araw-araw na lang parang nililigawan mo ako.

 

“May ipapakilala ako sa’yo bukas. Bigla mong nasabi.

Napatitig tuloy ako. Parang may nagbago sa’yo. Parang umaliwalas ang mukha mo. Parang may ningning ang mga mata mo. Parang may kakaibang saya ‘yung pananalita mo.

 

 

Magugustuhan mo siya. Maganda. Matalino. Masayahin. Parang ikaw.

 

Ang sabi mo pa pinapasaya ka niya. ‘Yun naman ang gusto ko di ba? Ang makahanap ka ng iba. Wag kang mag-alala, kahit sino pa siya basta pinapasaya ka niya, masaya na rin ako para sa’yo.

 

I’m sorry.” Ilang beses mo ba ‘yan sasabihin? Ilang beses ko ba maririnig sa’yo ‘yan? Ilang beses ko ring sasabihing napatawad na kita. Matagal na. Hindi mo naman kasalanan.

Sana ‘yung ipapakilala mo bukas ang siyang pupuno sa mga pagkukulang ko. Sana aalagaan ka niya. Higitan ‘yung pagmamahal ko sa’yo. Masyado yata akong mahina dahil hindi kita pinaglaban. Sana siya na. Sino kaya siya?

Hindi na tayo pwede, eh. Hinding-hindi. Masaya na ako sa anim na buwang nakasama ka. Salamat. Salamat kasi pinaramdam mo sa akin kung paano totoong magmahal at mahalin.

Matagal-tagal na rin ang tatlong taon. Panahon na para makahanap ka. Aksidente lang ‘yun. Maulan kaya nawalan ka ng preno. Hindi mo naman sinasadya. Wala namang may gusto nito.

 

Dumalaw ka pa rin ha? Mamimiss kasi kita. Magdala ka pa rin ng rosas at tsokolate. Hindi ako magagalit pag ‘di ka na makakadalaw araw-araw o kaya’y ‘pag wala ka ‘pag undas.

Basta pramis mo lang ‘pag may panahon ka, dumalaw ka lang. Andito lang naman ako, hindi aalis. Gagabayan pa nga kita. Makikinig ako pag may problema kayo o kaya’y kahit ‘yung mga simpleng lambingan niyo o munting bagay na nagpapasaya sa inyo. Pramis, hindi ako magseselos. Pramis.

———

Mema(sabi): Buti na lang hindi selosa si ate! Kung hindi lagotyung ipapakilala niya!

Kaya ang gintong aral dito ay magmove on! Ang multo nga nagmomove on, tayo pa kaya! 

Konyo Bebe

Konyo bebe

Alam mo bang galit na galit ako sa mga konyo?

‘Yung tipong pagnagkarally sa EDSA para ibagsak ang mga konyo, siguradong ‘asa unahan ako. Di ko naman aakalain na ako pala ang babagsak…sa’yo.

Nahulog ako sa isang katulad mo, isang konyo.

Nung unang beses kitang nakilala,

“Hi, is someone nakaupo here?” Di ako nakasagot. Natulala ako. Ni hindi ko nga narinig ang kakonyohan mo. Sabi mo ulit,

“Um, may nakaupo here?” Wala pa rin. Nakakahiya na ako. Tulala pa rin.

Ngumiti ka lang nang alanganin.

“Pwedeng makiupo dito?” Bigla akong natauhan. Siguro, dahil kaya mo naman palang magsalita ng diretsong tagalog.

“Yep.” My gulay! Ako ba to? Anong sinabi ko?! Pangkonyo ang yep! Dapat oo! Gusto kong batukan ang sarili ko! Anung nangyari sa’kin!

Nung unang beses kitang niyaya,

“Where are we going ba?” Pinigilan ko ang sarili ko. Di na ako umimik. Gusto kong sabihin na sa susunod ‘wag mo na lagyan ng ba. Okay na yung where are we going. Okay na ako dun.

Nung unang beses kitang sinundo,

“Asan na you? Here na me sa shed.” Napahinto muna ako para huminga. Para kalmahin ang sarili ko. Hindi ka naman bobo. Matalino ka nga eh. Sobrang talino pero di ko maintindihan ba’t ganun ka magsalita? Dahil ba ganun ‘yung mundong kinalakhan mo?

Nung unang beses kitang sinabihan ng mahal kita,

“I love you din kaya.” Hindi ko na pinansin ‘yung salitang kaya. ‘Yung oras na ‘yun sobra akong masaya. Akalain mo, mahal mo rin pala ako.

Pag-ibig. Kahit ayaw na ayaw ko sa mga katulad mo, ikaw ang minahal ko. Kahit nung una, gusto kong sumuka ‘pag may naririnig akong katulad mo. Kahit nung una, gusto kong ipatapon sa dagat-dagatang apoy ‘yung mga katulad mo.

Ngayun, balewala na lang sa’kin. Kasi pag nagmamahal, tinatanggap mo lahat lahat. Lahat ng kagandahan, kapangitan, kalakasan at kahinaan n’ya.

Siguro kahit sukdulan pa ang pagiging konyo mo, mas mamahalin pa rin kita. Kasi ganun ka na talaga. Darating ang panahon na maaring magbago ka, pero hinding-hindi ko hihingin na magbago ka. Dahil bahagi na ‘yan ng ‘yung pagkatao. Bahagi ‘yan ng tinanggap ko.

Sabi nga sa pelikula, ‘pag mahal mo, mahal mo! Walang kasi kasi, walang pero pero.

“Andyan pa rin you?” Nakalimutan ko, kausap pa rin pala kita sa telepono.

“Yep, bebe.” Ha? Ano?! Ako yata ang nagbago. Sana mapatawad ako ng buong mundo. Sisihin ang pag-ibig. Oh, pag-ibig.

————-

“Pag mahal mo, mahal mo! Walang kasi kasi, walang pero pero. Kasi mahal mo eh!” – Sarah Geronimo (A Very Special Love, 2008)

Ex ni Doding Daga

46273-gucci_ss_11_19

Kung may isa man akong pinagsisisihan, ‘yun yung naging tayo.

Sabi nga ni Kuya, “Pucha, di ko lubos maisip na naging kayo pala. Mukha siyang doding daga!”

Kaya sa susunod, kilalanin mo muna. Gaya ngayun, ang tawag sayo ay ex ni Doding Daga!” Dinagdagan pa niya ng sobrang lutong na, “Nakakadiri!”

Kung andito ka lang, siguradong kamao ang ulam mo. Ba’t naman hindi, niloko mo lang naman ako. Masyado yatang uso ang manggago, kaya pakiramdam mo may karapatan kang mangtarantado.

Ito pala yung tinatawag nilang intense. ‘Yung pakiramdam na gusto mong maglaslas, ‘di lang isang beses. Nakakagigil. Nakakainis.

Di ka naman gwapo. Ako nga raw ang agrabyado. Kaya di ko lubos maisip san ka humugot ng lakas ng loob at kapal ng mukha para manggago.

Minsan, ayaw ko pang aminin na wala na talaga. Pero, sa tuwing naiisip ko na nagdala ka ng iba sa’king kama, gusto kong masuka. ‘Yung bottomless ha.

Idagdag mo pa na nanlalagkit na rubber ang bumati sa akin ng magandang umaga. Pwedeng-pwede sa Maala-ala mo kaya, titled, “Condom”.

Siguro ang naging problema, kung may sukatan ng pag-ibig, ‘yung akin, punong-puno ‘yung siyam na planeta, ‘yung sa’yo, pwede na ‘yung sampung tasa. Mas mahal raw kita. Ng isanlibong beses.

Kaya hayan tuloy. Ako’y tinapak-tapakan. Sinaktan. Niloko. Ginago.

Kelangan ko na magising sa katotohanang binubulag lang ako ng aking ilusyon na tao ka. Sana pala nilagyan ko ng acetone ‘yung kape mo. O kaya’y ng sabong panlaba ‘yung pagkain mo. Masarap! Subukan mo! Bubula ang bibig mo. Pero baka di ka tablan, ni wala ka ngang puso’t kaluluwa.

Sana makarma ka. Sana sa susunod ikaw naman ang saktan. Ikaw naman ang gaguhin. Para maramdaman mo na sagad ang sakit. Na para kang sinaksak ng paulit-ulit.

Kahit anung gawin ko, nakakabit na nga ang pangalan ko bilang ex mo- bilang ex ni doding daga. Pero sa susunod, sisiguraduhin ko na worth it siya. ‘Yung pwede kong ipagyabang at ipagsigawang, “Ex ko yan!”

Di tulad ngayun. Nakakahiya. Nakakasuka.

Buntis ako, Green

Pirelli1_620_1628473a

Biyernes. Tradisyon na ng barkada ‘yung tumambay sa inuman. Ginagawa naming isang malaking playground habang naglalaro ng mga kung anu-ano.

“Ibalik natin ‘yung pelikula dare! Maraming pogi!”

Kelangang masabi mo ‘yung linya sa isang pelikula habang ginagawa ‘yung utos ng barkadaAt nagsimula ngang umikot ang botelya kasabay ng ‘di ko mabilang na shots ng tequila.

Naka-polong light green ang aking biktima. Mukha pa naman s’yang maamong tupa. Mukha ring masarap, pang-ulam ‘pag nangangati ka.

Paglapit ko, bigla akong sumigaw ng,

“Buntis ako, Green! Kelangan mo ‘tong panagutan! Lahat ng ibinibigay ko sa pamilya ko, ibinibigay ko rin sa iyo! Lahat! Lahat! Lahat!”

Mahihiya si Claudine Barreto sa pelikulang Milan sa panggagaya ko. Mahihiya siya sa galing kong umarte. Pang-Famas! Best actress!

‘Yung mukha niya parang sinabugan ng bomba. Gulat na gulat. Tumawa lang ako at sa mahinang boses,

“Sori. Nagkatuwaan lang. Dare.”

 

Bigla siyang tumayo.

“Sori?! Hindi ako ang ama niyan! Alam nating pareho na niloko mo ako! Dun ka maghabol!” Mahihiya ang ambulansiya sa lakas ng boses niya.

Ako naman ang hinagisan ng bomba! Natalbugan ng akting. Best actor siya!

“Hayan, quits na tayo.” Saka siya ngumisi na parang walang nangyari.

Tumaas ang dugo ko. Pulang-pula ang mukha ko. Understated ang salitang hiyang-hiya ako. Nung oras na ‘yun, gusto ko lang namang pumatay ng tao.

Mukha kang sayote sa damit mo!” Wala akong ibang nasabi.

“Mukha kang bulok na kamatis sa tindi ng lipstik mo.” Mahinahon n’yang sagot.

Putangina! Bading ba ‘to! Pumapatol sa babae!

Nung sumunod na biyernes, s’ya naman ang lumapit.

“Hi, sori sa nangyari. Alvin, hindi Green.”

Mula noon, naging bahagi na siya ng ritwal naming inuman. Araw-araw ko na rin siyang kasama sa lahat ng lakaran.

Hanggang isang araw,

“Buntis ako, Alvin.” May nginig. May kaba.

Napatingin s’ya. Nagtatanung ang mga mata.

“Pag lalake, gusto ko Green ang second name niya, ha.”

Bigla niya akong niyakap sabay dugtong ng, “Bawal paglihian ang sayote!”

Sobra akong napahalakhak. Sobrang dinamdam niya ‘yung biro kong sayote.

Mag-dadalawang buwan na kaming kasal. Magdadalawang taon na ring nangyari. Paglabas ni Green, ikwekwento ko sa kanya ang talambuhay ng pangalan niya. At kung paano ko nakilala ang Daddy niya.

————–

“Lahat ng ibinibigay ko sa pamilya ko, ibinibigay ko rin sa iyo! Lahat! Lahat! Lahat! Lahat lahat lahat!”

– CLAUDINE BARRETO in MILAN

——

Mema(sabi): Minsan, naglaro kami ng dare sa flat. Inisip ko nung una ang childish pero sobrang na-enjoy naman namin.

French Girl (FG): (katok sa pintuan) “Hi, I have something to tell you. I am leaving tomorrow so I’d like to use this opportunity to say… I love you.”

(Nakatago kami sa laundry room habang nagcoconfess siya sa may hallway!)

German Guy (GG): Uhm… Okay.

HAHAHAHA Sobrang tawang-tawa kami after nun! Game naman si FG kahit first time daw niyang mareject. Nagred lipstick pa siya! For the win, as always. Sa nagtatanung, hindi naging sila.

Ang Pato, Swan at Baboy

ysl-seventies-shoot6

“Sori, di ka imbitado. Hindi imbitado ang mga pato sa party ng mga swan.” Sinabayan ko ng flip ng buhok at walk out. Ganyan ako kasama. Ganyan ako mang-alipusta. Sinimulan niyo, tatapusin ko.

“Ba’t di mo siya inimbitahan?”

“Ayoko sa pato. Mahilig sa tira-tira ng iba.”

 

Masyado kong itinanim sa utak ko na masarap maghiganti sa taong tulad mo. Hindi ko ‘to ginusto, pero andito na tayo.

Kayo nga dyan, ni hindi niyo ako inimbitahan nung magdesisyon kayong magpafiesta. Makalat. Makulay. Maingay. Ang aking mahal na bestfriend at mahal na boyfriend. Nasa iisang kama. Kung inimbitahan nyo lang ako, eh di sana, baka mas masaya pa. Wala sanang ganito. Wala sanang nasaktan at nasasaktan.

Masarap ba siya? Ni hindi ko nga natikman, tinikman mo na. Baka dahil masyado akong pakipot pa, kaya naghanap naman ng iba. Sabi nga nila, kapitbahay first. Nagkataong ikaw ang pinakamalapit na pwedeng bumukaka. O siya, sayo na siya. Kahit magpaparty pa kayo magdamagan. Araw-araw. Gabi-gabi.

Sinabihan pala ako, sobra na daw ang aking pang-aalipusta. Ni hindi nga nila alam na pagkatao ko ang inalipusta. Kung ipagkalat ko kaya? Wag na. Baka koronahan ka pa na reyna ng mga puta. Baka masyado ka pang matuwa, ikamatay mo pa. O di ba, ang bait ko pa!

Kaarawan mo na sa makalawa. Di ako makakadalo pero meron akong regalo. Labimpitong pato. Ka-edad mo. Kaugali mo.

Pero hindi dun nagtatapos ang regalo ko. Bibigyan pa kita ng isang kasamang baboy. Dahil ang pato ay nababagay sa baboy. Gawa kaya kayo ng munting pagsasalo. At tatawagin natin ‘tong “Hayuuuup kayo!”

Ang Kapre sa Kamay ng Sisiw

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Alas-nuwebe ng gabi. Sobrang dilim. Sobrang ulan. Sabi pa naman nila, may lalaking kapre sa puno nung malaking mangga.

Nung malapit na ako, nagtayuan ‘yung mga balahibo ko. Pakiramdam ko, may sumusunod sa’kin. Parang may tumatawag sa’kin.

Pagtapat ko, biglang may malamig na kamay na humawak sa’king braso. Umalingawngaw ang salitang, “’Waaaaag!” At tunog ng payong. Kapupukpuk.

Kinabukasan,

“Oi, sira daw payong mo, ah!”

“Ah, oo. Umm, sige.”

“Hep, hep, hep… Nakikita mo ‘to? Ang tawag d’yan… Pasa. Galos.”

“’Di ko kasalanan kung mukha kang kapre!”

“Kapal ng babaeng mukhang basang sisiw!”

 

Gusto ko talagang magpasalamat sa Diyos na binigyan niya ako ng pagkakataon para pukpukin ka. Sa araw-araw na pang-aasar mo, sa wakas, nakaganti rin ako. ‘Pag minalas ka nga naman ng taong kapitbahay!

Bilang kabayaran sa “kasalanan” ko, nilibre kita ng ice cream sa may kanto. Sa isip ko, kung gaano ako kalalim, ganun ka naman kababaw. Kung gaano ako kaseryoso, ganun ka naman kapalabiro.

Pero sa simpleng ice cream, dun kita mas nakilala. Masaya ka pa lang kasama. Hindi lang dahil sa mga biro mong masarap tumawa. Mas pa dahil pwedeng-pwede kitang batukan kapag nang-aasar ka.

O di ba, palaging quits na tayo! Hindi ko na hihintaying magpagabi para pukpukin ulit kita ng payong. Pwedeng instant na! Agad-agad!

Buti na lang din tinuruan kang mabuti, bawal saktan ang mga babae. Kung hindi, baka nabigwasan mo na ako sa dami ng aking batok.

“Gagabihin ako ngayun.”

“Sunduin kita. Baka matakot ka na naman sa kapre.”

“Ba’t naman? Eh, kasama kong uuwi ‘yung kapre.”

“Mahal mo naman.”

“Sinabi ko bang hindi?”

“Sabi nung kapre mahal ka rin daw.”

 

Nakasanayan na nating tawagin ang isat-isa bilang kapre at sisiw. Parang tayo. Magkaibang-magkaiba.

Pero kahit sila’y magkaiba, alam ko, tatanda silang magkasama. Walang sisiw, kung walang kapre. Walang kapre, kung walang sisiw.

Dahil ang sisiw ay sasaya lamang sa kamay ng kapre. At ang kapre ay sasaya lang din sa kamay ng sisiw.